Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula ni Lamasan, tinatao, nakapagbibigay din ng maraming awards sa mga artista

READ: Phil team, pinakamaliit na delegation sa ASIAD

“AKO kasi main stream ako eh. Iniisip ko kung ano ba ang gusto ng pamilya. Iyon ang ginagawa kong pelikula,”ganyan tumakbo ang statement ni Olivia Lamasan, isa sa ating mga kinikilalang mahusay na director ng pelikula sa kasalukuyan at isang box office director.

Walang makapagsasabing hindi magaganda ang pelikula ni Lamasan. Pelikula ni Lamasan ang gumawa ng grand slam best actress kay Sharon Cuneta. Pelikula rin niya ang nagbigay ng maraming awards kay Vilma Santos, kabilang na ang best actress award sa kauna-unahan at hindi na yata nasundang MTRCB awards. Nanalo rin sa pelikulang iyon sina Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Pelikula rin niya ang sabay na nagpanalo kina Aga Muhlach at Angel Locsin. Pero pelikula rin ni Olive ang gumawang best actor kay Daniel Padilla. At lahat ng kanyang mga pelikula ay kumita.

Ganoon dapat ang mentalidad ng isang director. Hindi puro kayabangan na ang akala sa sarili nila ay napakagagaling na nila, at sila lang ang artistic. Bagsak naman ang lahat ng kanilang ginagawang pelikula. Dapat kasi iniisip din ng director, magugustuhan ba ng mga tao ang ginagawa niyang pelikula? Kung hindi, aba eh hindi sila nakatutulong sa pag-asenso ng industriya. Kung maya’t maya ay nagmamakaawa sila sa audience na panoorin naman ang mga pelikula nilang inaalisan na ng sinehan, aba eh kailangang magising na sila. Maaaring gumawa ng magandang pelikula na kikita pa, at mananalo pa ng awards maging ang mga artista.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …