Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angelika, Mommy Klenk at movie scribe tama na isisi Kay PNoy ang matinding pagbaha sa Metro Manila

 

ABA’Y hindi naman pala fake news ang reklamo kay PNoy ni Kapitana Angelika dela Cruz ng Longos, Malabon sa nagkalat na basura at dumi ng tao sanhi ng matitinding pagbaha sa lugar gayondin ang movie scribe na si Jimi Escala na konsehal ng Tondo at Mommy Klenk (mother nina Ara Mina at Christine Reyes) na nahirapan sa pagbebenta ng kanilang property sa Marikina.

Dahil sa matinding baha, maraming lugar ang lumubog sa Metro Manila at hindi ito pinalampas ng batikang kolumnista ng isang kilalang pahaya­gan ng dating adiministrasyon at pagmaniobra umano ng dating Pangulong NoyNoy Aquino sa plantsadong proyekto na sana’y ilulunsad na lamang handog ng administrasyong Arroyo.

Ang naturang proyekto ay nagkakahalaga ng P18.7 bilyones at tinawag na ‘Laguna Lake Rehabilitation Project’ na ang pangunahing layunin nito ay sumalo sa umaapaw na tubig na nagreresulta ng matinding baha sa Kamaynilaan.

Kapag sana’y mailunsad, lilinisin ng naata­sang ahensiya ang naturang lawa na kilala bilang pinakamalaki sa bansa, kabilang ang Napindan Channel sa Taytay na magsisilbing lagusan ng tubig mula sa Metro Manila.

Ayon sa nasabing hardhitting columnist, hindi sana malaking pera ang kakailanganin sa nasabing proyekto sapagkat sasagutin na sana ng bansang Belgium ang katumbas na P7 bilyones na gastusin bilang regalo nito sa Filipinas.

Ang tanyag na kompanyang Baggerwerken Decloedt En Zoon (BDZ) na pagmamay-ari ng isang Belgian firm ang sana’y gagawa sa paglilinis ng Lagunda de Bay at ng Napindan Channel. Inabot umano ng tatlong taon ang pag-aaral ng FIlipinas at Belgium, sa ilalim ng maayos na kasunduan para sa naturang proyekto na nakatakda sanang simulan noong Setyembre 2010 at posibleng matapos agad sa taong 2012.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …