Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

“Unli Life” ni Vhong Navarro iba ang atake ng pagpapatawa

READ: Ngayon at Kailanman, first team-up teleserye nina Julia Barretto at Joshua Garcia eere sa Agosto 20
READ: Bhoy Navarette walang rivalry sa kapwa famous beauty gurus na sina Fanny at Leony

LAST Monday, jampacked ang buong sinehan ng Cinema 7 SM Megamall sa red carpet ng “Unli Life.”

Pinagbibidahan ito ng tambalang Vhong Navarro at beauty title holder Reina Hispa­noamericana na si Winwyn Marquez na in all fairness, ang tindi ng chemistry sa big screen.

Bukod sa suporta kay Vhong ng mga kapwa Kapamilya actors sa kanilang premiere night, nag-SRO pa ang buong sinehan.

Talaga namang  naaliw at napata­wa to the max ni Vhong ang lahat sa kanyang latest movie sa Regal Entertain­ment Inc., na isa rin sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino ng Film Development Council (FDCP).

Nagsimulang itanghal sa mga sinehan nitong 15 Agosto (Miyerkoles) at magtatapos sa 22 Agosto. Isa kami sa mga nakapanood nito at mas entertaining at sobrang nakatatawa kaysa hit movie nina Vhong at Lovi Poe na Woke Up Like This na produce rin ng Regal Entertainment ng mag-inang Roselle at Lily Monteverde.

Kuwela ang pagpunta ni Benedict (Navarro) na guma­ganap na Deejay sa iba’t ibang panahon dahil lang sa unfinished re­lationship sa magandang nobya na si Victoria (Marquez).

Sa tulong ng bartender na si Sir Saro (Joey Marquez) at ng Whisky niya ay nakapunta si Benedict sa iba’t ibang panahon at nakasalumuha niya sina Eva at Adan, Andres Bonifacio, Magellan, at ang sikat na komedyanteng dancer sa entablado na ginagampanan ni Epi Quizon.

Sa lahat ng henerasyon na mapapadpad siya ay nakikita niya si Victoria sa iba’t ibang karakter. Sa huli dahil naitama ni Benedict ang kanyang pagkakamali ay happy ending sila ni Victoria sa movie.

Malaki rin ang role, na ginampanan ni Ejay Falcon sa Unli Life siya ang gumaganap na ka-love triangle nina Vhong at Winwyn.

Kasama rin sa cast sina Hugot Girl, Donna Cariaga at Pilipinas Got Talent 2018 Finalist na si Joven Olvido at mula sa direksyon ni Miko Livelo ang kaisa-isang full lenght comedy movie sa PPP, kaya nood na!

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …