Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Justin Brownlee magiging Pinoy

MAGIGING Filipino na ang magaling na basketbolista na si Justin Brownlee matapos ang paghahain ng pormal na panukala para sa proseso.

Ang pagiging Pinoy ni Brownlee, ang namayagpag na best import sa PBA Commis­sioner’s Cup, ay nakapaloob sa House Bill 8106 na inihain ni 1-Pacman Partylist Rep. Mikee Romero.

Ani Romero karapat-dapat bigyan ng Filipino citizenship si Brownlee na unang naglaro sa bansa noong 2016 bilang import ng Barangay Ginebra.

Malaking karangalan uma­no ang ibinigay ni Brownlee sa Philippine Basketball Associa­tion (PBA) at mga tagahanga ng basketball sa bansa.

Nagpahayag si Brownlee ng kanyang pagnanais na maging Pinoy at manirahan sa bansa noong nakaraang linggo sa kanilang victory party na gina­nap sa Metro Tent Convention Center sa Lungsod ng Pasig.

 (GERRY BALDO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

2026 World Slasher Cup

20 entries pasok sa grand finals ng 2026 World Slasher Cup

DALAWAMPUNG entries ang magtutunggali sa grand finals ng kauna-unahang edisyon ng World Slasher Cup 9-Cock …

PSC Pato Gregorio PFF John Anthony Gutierrez

Football ng Pilipinas, Nagmarka ng Kasaysayan sa 2025

NOONG 2025, naabot ng football sa Pilipinas ang mga hindi pa nararating na tagumpay. Sa …

Creamline Cool Smashers PVL

Cool Smashers pinagtuunan ng pansin ng liga sa PVL All-Filipino Conference

Mga Laro Bukas(Filoil Centre)4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal6:30 n.g. – Akari vs Choco …

Camila Osorio Alex Eala

Osorio binigo si Eala na makapasok sa semis ng Philippine Women’s Open

SA PINAGSAMANG lakas at husay, pinigil ng Colombian na si Camila Osorio, si Alex Eala …

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …