READ: Perla Bautista, masaya na muling nagbida sa pelikula
AFTER two years na paghahanap ng magiging miyembro ng MNL48 mula sa 4,000 na nag-audition online, napili na ang bubuo nito na dumaan sa masusing pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw para maging isang mahusay na performer.
Ipinakilala na sa entertainment press ang Top 16 from 48 na naunang mag-release ng kanilang debut single under Hallohallo Entertainment Inc. at idi-distribute ng Star Records. Igo ay ang awiting Aitakatta: Gustong Makita hango sa signature at highest selling song sa Japan at nag-top sa Oricon Singles Chart in 2006 ng grupong AKB48 na sister group ng MNL48 kasabay ang pagbubukas ng Movie Stars Cafe sa Centris Station QC na siyang naging venue ng launching ng single ng MNL48.
Bukod sa Aitakatta, may Tagalized version din ang MNL48 ng Japanese song na Sakura no Hanabiratchi–Talulot ng Sakura at ng Skirt, Hirari –Umiindak na saya na dagdag sa kanilang debut album na may bonus na minus-one at mairi-release ngayong Agosto under Hallohallo Enertainment Inc..
Habang unang mapapanood naman sa It’s Showtime ang kanilang music video na Aitakatta -Gustong Makita na isang Japanese ang nagdirehe.
Ang Top 16 MNL48 SENBATSU ay binubuo nina Sheki, Abby, Sela, Tin, Alice, Ella, Ash, Gabb, Jem, Sayaka, Faith, Lara, Grace, Quincy, Allysa, at Erica.
MATABIL
ni John Fontanilla