Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, inilunsad ang SharonCunetaNetwork

INILUNSAD ni Sharon Cuneta ang kanyang SharonCunetaNetwork na opisyal na pinagsasama-sama ang pinakabagong online platforms sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube  bilang bahagi ng isang taong selebrasyon ng kanyang 40th anniversary sa showbiz, na papunta sa isang engrande, major concert na pinamagatang My 40 Years, Sharon sa Setyembre 28 sa Araneta Coliseum.

Nagbibigay ang SharonCunetaNetwork ng eksklusibo at orihinal na content tungkol sa lahat ng mga bagay ukol sa Megastar sapagkat pinagsasama-sama nito ang iba’t ibang aspeto sa karera ni Sharon mula sa pelikula, telebisyon, musika, live performances, at endorsements gayundin ang makulay at nakai-inspire niyang personal na buhay bilang isang ina, asawa, sister, at kaibigan.

Sa Facebook, na ang opisyal na handle ay SharonCunetaNetwork; sa Twitter    @SharonCunetaNet; Instagram @SharonCunetaNetwork; at Sharon Cuneta Network sa YouTube. Ang lahat ng ito ay karagdagang platforms na lalong palalakasin ang mga personal na social media accounts ni Sharon na kinabibilangan ng kanyang verified Sharon Cuneta Facebook Page na may humigit sa1 milyong followers; ang kanyang @sharon_cuenta12 Twitter account na mayroong 1 milyong followers; at ang kanyang @reallysharoncuneta Instagram account na may humigit sa 631,000 followers.

Lahat ng mga platform sa SharonCunetaNetwork ay magdadala sa kanyang patented na pirma at lahat ng ito ang magiging opisyal na online source ng lahat ng mga impormasyon at updates tungkol sa Megastar, isang bagay na tiyak na kapananabikan ng ‘di mabilang at mga loyal na Sharonians. Ang mga platform na ito ay siyang magiging dahilan para lalong maipakilala si Sharon at ang kanyang kamangha-manghang body of work na sinasakop ang apat na matatagumpay na dekada sa bagong henerasyon ng mga mga tagahangga na kinikilala siya at iniidolo bilang isa sa mga stellar judges ng top-rating singing and impersonation competition ng ABS-CBN na Your Face Sounds Familiar bilang isa sa mga powerhouse coaches ng The Voice Of The Philippines sa tatlo sa mga matatagumpay na seasons nito at bilang isa sa mga bida ng blockbuster hit ng Star Cinema, ang romantic-comedy na  Unexpectedly Yours at bilang isang high profile endorser ng malalaking brands tulad ng McDonald’s, Petron at Magnolia Chicken 3-Way.

Bilang paunang offering, itatampok ng SharonCunetaNetwork ang mga one-of-a-kind webisodes na magpapakita ng iba’t ibang aspeto ng karera at personal na buhay ni Sharon. Kasama rito ang kanyang kapana-panabik na paglalakbay patungo sa landmark event na My 40 Years, Sharon na itinuturing na isa sa mga pinakahihintay at pinaka-engrandeng musical at industry events ng taon na sina Louie OcampoMell Villena, at Ryan Cayabyabang mga musical director at sina Zsa Zsa Padilla, Kuh Ledesma, Regine Velasquez, Martin Nievera, Basil Valdez, at Gary Valenciano ang mga espesyal na panauhin.

Ang My 40 Years, Sharon ay handog ng San Miguel Corporation, sa pakikipagtulungan ng Petron, Magnolia Chicken 3-Way, Philippine Airlines, McDonalds at The Aivee Group, kasama ang mga media partner tulad ng The Philippine Star, Business World, People’s Journal, at People’s Tonight, at sa suporta ng Fernando’s Bakery at Leylam Philippines.

Para sa mga tickets sa My 40 Years, Sharon tumawag sa 552-7473, 815-1953, at sa TicketNet sa 911-5555 o bisitahin ang www.ticketnet.com.ph.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …