READ: Yassi, grabe ang sakripisyo para kay Coco
READ: Dr. Mariano Ponce, pararangalan
MAY mga komentong hindi marahil marunong uminom ng kape ang little people’s queen kung tagurian, si Jo Berry, bida sa Onanay, at idinidirehe ni Gina Alajar.
Wala man lang takot si Jo na nakipagpalitan ng dialog kina Nora Aunor at Cherie Gil.
Hindi man lang nasindak si Jo ng mga bigating artista nang makaharap niya. Mabuti man lang sana kung nakapag-work shop o kaya’y nakaganap sa mga dulang pampaaralan.
Isa siyang Computer Science graduate kaya malayo ang acting sa kinaroroonan ngayon.
Ang Onanay ay isang simbolo ng pagbabalik muli ng pang-masang istorya na inaapi-api ang isang nilikhang may kapansanan pero grabe palang qualification sa buhay.
Finally, nakuha ng Kapuso ang kiliti ng tao. Mistulang inuulit lamang ni Direk Gina ang mga kuwento noong araw na malimit mapanood sa Sampaguita at LVN Pictures, walang murahan, patayan, laitan, kabaklaang tema ang istorya.
SHOWBIG
ni Vir Gonzales