Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vance Larena, pinakamahusay na aktor sa Bakwit Boys

READ: Lotlot, ‘di itinago, ‘gulo’ sa pamilya nila

NOONG media launch niyong Bakwit Boys, napuna lang namin na ang mas pinuntahan ng movie press pagkatapos ng presscon, at natural nagkaroon ng mas maraming publisidad ay iyong baguhang actor na si Vance Larena.

Ang sinasabi nila, sa totoo lang, hindi lang siya ang pinakapogi roon sa mga Bakwit Boys, maaari ring sabihing siya ang pinakamahusay na actor sa kanila.

Si Vance kasi ay isang actor sa legitimate stage, bago siya na-recruit para gumawa ng ilang indie films. Sa mga nagawa naman niyang indie, kinakitaan din naman siya ng mahusay na acting. Iyon nga siguro ang dahilan kung bakit naging interesado ang press sa kanya.

Alam ninyo ang media, iyong mga lehitimo talaga ha, kung minsan very discriminating iyang mga iyan eh. Kung ok ang isang artista, asahan mo susuportahan nila. Kung sa tingin naman nila ay walang kinabukasan bilang artista, bakit mo nga naman bibigyan pa ng ilusyon at susuportahan pa?

May mga nangyayaring ganoon, na wala namang mga potential pero pilit na pinasisikat. Minsan malalaman mo kamag-anak pala ng producer, o kung hindi naman may “isang malakas na may ibang dahilan” kaya ganoon.

Pero tama lang naman iyon eh. Kung sino sa palagay mo ang may pag-asang sumikat, at mahusay naman, may talent talaga. Iyon ang susuportahan mo. Alangan namang suportahan mo pa iyong walang talents o masama ang ugali. Marami nang walang talent at masamang ugali sa showbiz, huwag na nating dagdagan pa.

Iyang si Vance, sinasabi nga nila 20 over na ang edad. Eh ano, hindi naman siya mukhang matanda, at saka matatakpan iyon ng talents niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …