READ: Kris Lawrence, pinaplantsa na ang 12th anniversary concert
ISA si Vance Larena sa tampok sa pelikulang Bakwit Boys, entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na mapapanood sa mga sinehan nationwide, mula August 15-21.
Nakakuha ng Graded-A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Bakwit Boys mula sa pamamahala ng prolific director na si Jason Paul Laxamana. Hatid ng T-Rex Entertainment, tampok din sa pelikula sina Nikko Natividad, Ryle Santiago, Mackie Empuerto, Devon Seron, at iba pa.
Ikinuwento ni Vance ang ilang detalye ng kanilang pelikula. “Ang role ko po sa movie is si Elias Datul, panganay po sa apat na magkakapatid na lalaki. Bale, nasira ng bagyo iyong hometown namin sa Isabela at napilitan kaming mag-evacuate sa lolo namin in Pampanga. Pero sa kabila ng setback na naranasan namin sa buhay, hindi kami nawalan ng pag-asa because of our love for music and songs,” esplika ni Vance na bago sumabak sa showbiz ay isang third year Law student sa San Beda College.
Dagdag niya, Balak naming maging boy band na napapakinggan sa radio. Si Devon as Rose, a girl from Manila, ang makadi-discover sa amin and will help us achieve our dream.”
Nagpapasalamat din siya kay Direk Jason Paul sa pagkakapili sa kanya rito. “Nag-audition ako for my role and I didn’t expect my role will be this big. I’m glad napili ako ni Direk Jason Paul kasi nga bukod sa naka-aarte ako, nagkaroon din ako ng chance to sing. Nag-click naman kami agad ng actors who play my brothers at magkasundo kaming lahat.”
Nabanggit din niya ang excitement sa nalalapit na pagpapalabas ng Bakwit Boys. ”Sobrang excited po at sobrang kabado po at the same time dahil malaki ang aming tiwala sa material, na ipinapanalangin nga po talaga naming makita at ibigin ng maraming tao. Malaki rin po ang pasasalamat namin sa Maykapal dahil po binigyan kami ng pagkakataong maibahagi ang ganitong klaseng istorya sa pamamagitan ng PPP. We are really hoping for the best.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio