Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy weightlifters humakot ng medalya sa Indonesia

SUSI  sa tagumpay ng apat na batang weightlifters ay ang determinasyon at tiyaga sa trainings kaya naman kuminang sila sa naganap na Pre-Youth and Youth Championships, Indonesia Weightlifting Champion­ships 2018, sa Bali, Indonesia.

Naimbitahan sina 14-anyos Vanessa Sarno, Rosegie Ramos, 15 at kapwa 17-anyos Jane Linette Hipolito at John Paolo Rivera Jr.sa nasabing event.

Apat na gold, limang silver at tatlong bronze medals ang inuwi ng Filipino weightlifters at kahit niyanig sila ng malakas na lindol ay nanatili ang kanilang lakas.

“Nagpursige kami sa trainings at nagtiyaga kaya nakakuha kami ng medalya,” saad ni Hipolito na nagwagi sa 58kg category women’s division sa binuhat na 71kg sa snatch event para sa pilak, 85kg sa  clean and jerk para sa pilak at pilak muli sa total at combined lift nito na kabuuang 156kg.

Humakot ng tatlong ginto ang taga Bohol Province na si Sarno sa 69kg category women’s division sa binuhat nito na 78kg sa snatch, 98kg sa clean and jerk para sa personal best nito na kabuuang 176kg. sa kanyang unang pagsali sa isang internasyonal na torneo.

Kinalawit naman ng taga-Pandacan, Manila na si Rivera Jr. ang tatlong tanso 56kg ng men’s division sa pagbuhat nito sa 96kg sa snatch event, 123kg sa clean at jerk at total 219kg.

 (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Arabela Princess Dawa

Check Also

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …