READ: Coco, bukod-tanging ‘di bina-bash ng AlDub fans
ANG buhay ay punumpuno talaga ng mga irony.
Labingpitong buwan na palang nakapiit si Senator Leila de Lima mula nang idiin sa kasong drug trafficking. Kamakailan ay in-arraign siya na ang kampo niya ang nag-enter ng plea of not guilty sa mga paratang laban sa kanya.
Ang element of irony dito, obviously, ay ang pinagmulan dati ng Bicolanang mambabatas. Dati siyang Kalihim ng DOJ na mahigipit niyang ipinatupad ang kanyang trabaho in running after the society’s criminal elements.
Nag-Number 12 si de Lima noong May 2016 senatorial elections. Marahil, bunga na rin ‘yon ng kanyang mala-Sherlock Holmes na campaign ads na umakit sa mga botanteng nagnanais na lipulin ng lipunan ang mga corrupt at kriminal.
Pero muling nagbabalik sa alaala ng madlang pipol ang mga patalastas na ‘yon ni de Lima. Paano sasabihing kalaban niya ang mga masasamang element gayong siya mismo’y nahaharap sa isang matinding kaso?
Giit ng iba, fake advertising ‘yon dahil sa pagkakaroon umano ng partial truth sa mensaheng nakapaloob sa mga campaign materials na ‘yon.
Ito nga ang patunay ng mga irony sa buhay.
At dito rin masusukat kung paanong lilinisin ni de Lima ang kanyang pangalan sa paningin ng kanyang mga accuser.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III