READ: FDCP to Feature International Experts at Film Industry Conference
KAHIT na ayaw ng LizQuen fans sa buong mundo na tapusin na ang favorite nilang teleserye ng mga idol na sina Enrique Gil at Liza Soberano na “Bagani” na pinanonood nila gabi-gabi ‘e kailangan na talaga itong mag-end this August 17 (Friday next week) dahil lalaylay na ‘pag nagkataon ang takbo ng story nito kung pahahabain pa ng ABS-CBN at Star Creatives.
Hindi na masama at umabot nang lampas sa two season ang show at magwawakas na consistent sa mataas nilang ratings. At para sa kanilang last two weeks, ay siguradong hindi bibitinin ang viewers ng Bagani sa mas lalong nagiging palaban ang character ng dalawang Bagani na sina Lakas (Gil) at Ganda (Soberano). Sila ang pipigil sa planong pagbura ni Malaya (Kristine Hermosa) sa Sansinukob.
Bahala nang magbuwis ng kanilang buhay ang dalawa huwag lang masaktan ang taga-Disyerto, Patag at mga Mangangalakal na kanilang lahi na noon pa man ay kanilang pinoprotektahan.
At sa huling laban ng matatapang at mabubuting nilalang na Bagani ay kakampi pa rin nila ang Babaylan na si Gloria (Dimples Romana) at Matadorang ginagampanan ni Aiko Melendez. Ang nasabing drama-fantasy series ay idinirek ng tatlo sa mahuhusay na director ng Kapamilya network na sina Direk Richard Arrelano, Direk Lester Pimentel at Direk Raz dela Torre.
Napapanood sila weeknights after FPJ’s Ang Probinsyano, sa ABS-CBN2 Primetime Bida.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma