Wednesday , April 16 2025

Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas

READ: Quezon City, all out ang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino
READ: Pista at the Park Grand Fans Day and All Star Caravan

KITANG-KITA ang pagmamahal ni Hiro Nishiuchi sa Pilipinas mula sa naging pagdalaw niya noong 2014 dahil pinag-usapan ang mga naging pagbiyahe niya sa ilang magagandang lugar sa bansa.

Si Hiro ay isang aktres at modelo at nagwagi bilang Miss Japan-Universe first runner-up noong 2014. Mahilig din siyang mag-travel, katunayan, nakapunta na siya sa may 30 iba’t ibang bansa at nakagawa ng libro ukol sa mga ito. Hilig din niyang mag-scuba diving kaya naman kumuha na rin siya ng sariling lisensiya nito.

Kinuha ng Department of Tourism si Hiro para maging parte ng promotional activity ng bansa noong 2014. Nabisita niya agad ang Manila, Cebu, Bohol, Coron, at Iloilo. Sa pagbisitang ito, hindi itinago ng dating beauty queen na hindi lamang sa magagandang tanawin na-inlove kundi maging sa kabutihan at kagandahang ugali ng mga Pinoy.

Aniya, hindi niya makalilimutan ang pagiging hospitable ng mga nakilala niyang Pinoy. Ang karanasang ito’y madalas ikuwento ni Hiro sa mga Hapon. Kaya naman noong June 25, 2018, itinalaga siyang Philippine Tourism Fun Ambassador.

At simula nang ibigay ang titulong ito sa kanya, sinimulan na rin ni Hiro na buuin ang kanyang advocacy. Ang kanyang goal ay, “Promote Fun in the Philippines through InternationalConversations,” na layunin niyang himukin at ituro sa mga taong nakikilala niya all over the world ukol sa ganda ng isang bansang binigyan siya ng pagkakataon para irepresent.

Sa kasalukyan, inamin ni Hiro na wala png nagpapatibok ng kanyang puso kaya bukas siya sa posibilidad ba magkaroon ng karelasyong Pinoy.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine sinopla ang isang netizen

MATABILni John Fontanilla HINDI napigilang sagutin at patulan ni Nadine Lustre ang isang  netizen na nagkomento sa …

ER Ejercito Comelec

Overspending case ni dating Laguna Gob ER Ejercito ibinasura na ng Comelec En Banc

DINISMIS na sa wakas matapos ang 12 taon ng Commission on Elections (COMELEC) En Banc ang kasong …

Holy Week Cross Semana Santa

Have a blessed Holy Week 

I-FLEXni Jun Nardo PAHINGA muna tayo Hataw readers ngayong Holy Thursday hanggang Saturday. Sa Sunday na eh …

Encantadia Chronicles Sanggre

Kakaibang special effects at cinematography ng Encantadia Chronicles, kapansin-pansin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TEASER ng Encantadia umabot ng 18M views in less than 24 hours. Bagong …

Darren Espanto Juan Karlos ABS- CBN Ball

Darren at Juan Karlos nagka-usap, nagkabati

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUNO ng boljakan itong Holy Week natin noh. Simula kay Dennis Padilla na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *