Sunday , April 14 2024
Hiro Nishiuchi
Hiro Nishiuchi

Beauty queen Hiro Nishiuchi, kinakarir ang pagta-Tagalog

KINAKARIR ng beauty queen-actress-model, Hiro Nishiuchi ang pag-aaral ng Tagalog at Ingles para sakaling mabigyan ng pagkakataong makapag-artista ay hindi na siya mahirapan.

Nagbalik-‘Pinas si Hiro na kamakailan ay nasulat natin ukol sa kanyang pagiging Philippine Tourism Fun Ambassador. Ipino-promote ni Hiro ang Pilipinas sa Japan kaya naman maraming lugar ang pinupuntahan niya rito.

Sa muling pagbabalik-‘Pinas, nagkaroon siya ng charity work na namigay siya ng bags of groceries sa naapektuhan ng Habagat.

Ayon sa isang kasama ni Hiro, hindi basta-basta bags of groceries ang ipinamigay ni Hiro, punumpuno iyon ng magagandang klase ng groceries na tiyak na ikinasiya ng mga nakatanggap na pamilya na mga taga-San Juan.

Samantala, nakatutuwang kausap si Hiro na ipinagmalaking marami-rami na siyang alam na salitang Tagalog. Ilan dito ay ang ”Salamat po”, “Mahal kita”, “Kain na” at “Magandang umaga, tanghali, at gabi”.

Nakaiintindi ng Ingles si Hiro ngunit hindi pa siya masyadong bihasa  kaya lagi siyang may kasamang interpreter kapag bumibisita sa Pilipinas.

Hindi itinago ni Hiro ang kasiyahan sa tuwing pumupunta siya ng Pilipinas. Gandang-ganda kasi siya sa mga lugar na nabisita na niya, bukod pa sa masasarap na pagkaing Pinoy na talagang nami-miss niya kapag siya’y nasa Japan. Favorite niya ang adobo at ilang kakaning Pinoy.

Kuwento ni Hiro, nagtungo rin siya sa Tagaytay para sa susunod na promotional materials na gagawin niya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


RS, mas magiging palaban at daring sa M Butterfly
RS, mas magiging palaban at daring sa M Butterfly

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rochelle Pangilinan

Rochelle inamin nakaramdam ng insecurity nang palitan sila ng EB Babes

MA at PAni Rommel Placente SA interview ni Rochelle Pangilinan sa Toni Talks ni Toni Gonzaga, inamin niyang nasaktan sila …

Jos Garcia

Int’l artist Jos Garcia suporta at pagtangkilik wish sa kanyang kaarawan

SIMPLENG selebrasyon lang ang naganap na birthday celebration ni Jos Garcia sa Japan kasama ang …

Taylor Sheesh

Impersonator ni Taylor Swift kinarate sa baba habang nagpe-perform 

MATABILni John Fontanilla TRAUMA ang inabot ng Drag Queen na si Taylor Sheesh nang kinarate ito habang …

Isko Moreno

Yorme Isko tiniyak ‘di na tatakbo sa halalan 2025

I-FLEXni Jun Nardo SARADO na ngang talaga ang pinto ng politika kay Isko Moreno Domagoso kahit nasa …

blind item

Direk nabigla Boytoy may kasamang Gay Foreigner

ni Ed de Leon NA-SHOCK si Direk. Kasi aminado naman siyang nagkaroon ng misunderstandings ng kanyang Boytoynoong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *