READ: P30-B pondo kailangan sa nat’l ID
May kaukulang safeguard ang Philippine identification system o Phil ID para protektahan ang pribadong data ng lahat ng mamayang Filipino.
Ito ang nakasaad sa Republic Act 11055 o Phil ID na naglalayong gawing simple ang lahat ng transaksiyon sa lahat ng tanggapan sa bansa.
Nakapaloob sa naturang batas na ilalagay ang lahat ng impormasyon ng mga Filipino sa ilalim ng Data Privacy Act.
Mga imporasyon katulad ng full name, sex, date of birth, place of birth, blood type, address, Filipino or resident alien habang optional kung ilalagay mo ang marital status, mobile number, email address, pero kailangan pa rin ang biometrics information, larawan, fingerprints, iris scan at iba pang mahahalagang impormasyon.
May kaukulang multang P500,000 sa sinoman na hindi papayag na kilalanin ang authentication nito bilang official ID.
Maaaring makulong ng anim hanggang dalawang taon at multang P5,000 hanggang P500,000 ang sinoman na gagamitin sa anomalya ang Phil ID.
Habang isang P1 milyon hanggang P3 milyon at pagkakulong ng tatlo hanggang anim taon sa lalabag at mapatutunayang guilty sa pagsusumite ng maling impormasyon, hindi awtorisadong printing at preparation o issuance ng Phil ID at pamemeke nito.
Anim hanggang sampung taong kulong at multang P3 milyon hanggang P5 milyon sa sinomang lalabag o magpapalabas ng data o impormasyon, at hindi awtorisadong tao na gumamit ng Phil ID.
Aabot sa P5 milyon hanggang P10 milyon ang magiging multa at kulong ng sampu hanggang 15 taon sa malisyosong magpapalabas ng information at data mula sa opisyal at empleyado na may kustodiya sa pangangasiwa ng Phil ID.
(ROSE NOVENARIO)