Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NBI Deputy Director Eric Distor kahanga-hanga!

MARAMING accomplishment ang Deputy Director ng Intel ng NBI.

Ang dami na niyang  hinuling mga sindikato ng drugs, baril at leader ng Abu Sayaff.

Ayaw ni Deputy Distor ng trabahong bara-bara.

Bilang taga-Davao ay hindi niya kinakalimutan ang tiwala na ibinigay sa kanya ni Pangulong Digong, He is a man of few words, ang ibig sabihin pag sinabi n’ya na magtrabaho ka otherwise  ay may kalalagyan ka.

Ayaw niya ng corruption sa Intel dahil marami na rin nakasuhan na tiwaling agent at hawak din n’ya kasi ang  Internal Investigation ng NBI. Siya ang Ombudsman ng NBI.

Matalino at matiyaga si Deputy Distor kaya nara­ting niya ngayon ang tugatog ng kanyang tagum­pay. Bilang Deputy ng Intel minamabuti niya na maiayos lahat ng kagamitan na kagaya sa FBI.

Siya ay nag­pur­sigi para lahat ng gagamitin sa intel ay high tech.

Sa ngayon, busy siya sa paglilibot sa buong bansa para alamin din ang kalagayan ng intel regional office upang lalo pang mahuli  ang mga kriminal sa probinsiya na may kaugnayan sa droga, kriminal at corruption.

Kahanga-hanga siya, sabi ng mga  nabigyan ng hustisya na natutulungan ng kanyang dibisyon. Siya mismo ay nire-review ang mga kaso kaya siya aral nang aral sa mga counterparts niya.

Siya mismo ang nakikipag-ugnayan sa mga importanteng misyon ng NBI.

Sa ngayon makikita na pati involved sa human trafficking ay binabantayan at ipinapahuli sa mga taga- NBI NAIA.

Siya ngayon, itinuturing ang NBI na isa sa magagaling na opisyal at napaka-down to earth. Palagi siyang ipinapatawag ni Pangulong Digong at talagang pinagkakatiwalaan siya.

Naging inspirasyon niya ang pamilya niya lalo ngayong siya ay nasa tugatog ng kanyang tagumpay. Kahit sa mga nakakasalubong niya palangiti siya at ‘di suplado.

Pati kalinisin ng NBI ay ipinapaayos niya ganoon din ang beautification.

Si Deputy Eric Distor ay pride ng Davao at NBI.

Sa ngayon ay malapit na ang anibersaryo ng NBI.

Isa siya sa gumagawa ng preparation.

Mabuhay ka sir! God bess us all!

PAREHAS
ni Jimmy Salgado

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jimmy Salgado

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …