READ: Harry Roque, iiwan si Duterte ‘pag kinuha sa FPJ’s Ang Probinsyano
READ: The Day After Valentine’s, Graded A ng CEB
KAPANSIN-PANSIN ang sunod-sunod na ‘di pagkita ng mga pelikula. Hindi na namin iisa-isahin pa kung ano-ano ang mga iyon. Bagkus, tinanong na lang namin si Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman Liza Diño–Seguerra sa mga dahilan kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula.
Nakausap namin si Diño sa launching ng Six Pista ng Pelikulang Pilipino 2018 Special Features Films at ang unang nasabi niyang dahilan ay ang windowing.
“Windowing. Meaning, napakaimportante ng windows. First window is theatrical.
“Second is ibang platform let’s say cable, TV. You have to give enough time para ma-exploit mo ang theatrical realease mo.”
Idinagdag pa ni Diño na, ”Kung halimbawa in three months ipalalabas mo na siya (movie) sa TV or sa mga boxes (cable), it would really change the behavior of the audience.
“Kasi ang ine-expect nila bakit sila magbabayad ng P200 eh in three months mapapanood ko na siya sa TV?
“Sampung magkakapamilya pa kami.
“Malaking bagay ‘yun na nakaka-distruct ng behavior ng audience.”
Paliwanag pa ng FDCP Chair na hindi pa rin nawawala ang problema sa piracy.
At napag-alaman naming ang mga nabanggit na ito ni Dino na problema ay idi-discuss niya sa mga producer na sana’y mabigyang solusyon dahil nakalulungkot isiping kakaunti sa rami ng pelikulang ginagawa ang kumikita.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio