Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

National ID pirmado na ni Duterte

WALANG basehan ang pangamba sa pagpapatupad ng national ID system sa bansa kung hindi sangkot sa ilegal  na gawain.

Inihayag ito ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa paglagda niya kaha­pon sa Philippine Identi­fications System Act na naglalayong makapag­hatid ng episyenteng serbisyo ang gobyerno sa mamamayan sa pama­magitan ng “single ID.”

“There is therefore no basis at all for the appre­hensions about the Phil-ID, unless of course that fear is based on anything that borders to illegal,” aniya.

Makatutulong aniya ang Phil-ID sa kampanya ng gobyerno kontra kahirapan, korupsiyon at kriminalidad, gayondin ang terorismo at violent extremism.

Idinaos din kahapon ang ceremonial signing ng Bangsamoro Organic Law na may layuning bigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga mamamayang Bangsa­moro at ang lahat ng nagmamahal sa kapa­yapaan.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sara Duterte

“Sufficient in substance” idineklara sa 2 impeachment complaint vs Sara

ni Gerry Baldo IDINEKLARA ng House Committee on Justice na ang natitirang dalawang impeachment complaint …

Matias B Salvador Elementary School sa bulacan ninakawan

Eskuwelahan nilooban ng tatlong kawatan

HINDI pinatawad ng tatlong lalaking kawatan ang isang eskuwelahan sa Pandi, Bulacan nang kanila itong …

Brian Poe

Rep. Brian Poe: “Sa pagtaas ng presyo ng langis, kailangan ng agarang ginhawa para sa mga Filipino”

MANILA — Nagpahayag si Congressman Brian Poe ng kahandaan na suportahan ang pagbibigay ng limitadong …

Taguig NCCA Vista mall

Arts Festival 2026 inilunsad ng Taguig LGU sa Vista Mall

OPISYAL na binuksan ang Taguig Arts Festival 2026 nitong nakaraang Sabado, 28 Pebrero, sa pamamagitan …

Stella Quimbo Money Maleta

Idiniin ng 2 Ex-Marines
Ex-solon tumanggap ng male-maletang pera

KINOMPIRMA ng dalawang dating Marines ang nauna nilang pahayag na naghatid sila ng mga maleta …