READ: Senado desmayado kay Mocha
READ: Hikayat ni Sotto sa PCOO: ‘Pepe-dede ralismo’ video ni Uson aksiyonan
ITINATWA ni Communications Secretary Martin Andanar si Assistant Secretary Mocha Uson bilang propagandista, tatlong araw matapos siyang manawagan sa publiko na huwag maliitin ang kakayahan ng dating sex guru bilang tagapaglako ng federalismo sa masa.
Ang pag-iba ng ihip ng hangin ay nang maging viral sa social media ang kontrobersiyal na “pepe-dede ralismo video” ni Uson na umani ng batikos dahil sa kalaswaan.
Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, nagalit si Executive Secretary Salvador Medialdea sa kumalat na video ni Mocha kasama ang isang Drew Olivar, na ginawang malaswa at katatawanan ang federalismo.
“Si Ding ho talaga ang kumuha sa kaniya, hindi naman ako iyong nag-appoint kay Mocha na maging spokesman e. Kaya po ang sabi ko kay Ding, you have to disengage already kasi galit na sa ES. In fact, I think ES has already called him,” ani Andanar.
Si Ding Generoso ang tagapagsalita ng Consultative Committee na kumuha kay Uson upang tumulong sa pagpapalaganap ng federalismo.
Bago naging viral ang video ni Uson ay kombinsido pa si Andanar na maipapaliwanag ang isyu ng federalism kung pag-aaralan ito ng dating sex guru.
“Iyong kay Asec. Mocha po ay para mai-bridge lang po iyong communication gap between the Constitutional Commission at iyong masang Filipino. At sa palagay ko naman kung pag-aaralan ni Mocha itong power to the people, Bayanihan Federalism ay mai-explain niya nang husto ito; hindi naman natin puwedeng ismolin o maliitin si Mocha Uson,” sabi ni Andanar noong bago lumabas ang “pepe-dede ralismo” video sa social media.
(ROSE NOVENARIO)