READ: Sarah at Matteo, nakapag-‘solo’ sa Japan
NAGANDAHAN kami sa trailer ng movie ni Anne Curtis, ang Buy Bust na showing na ngayon sa mga sinehan.
Dahil maganda ang trailer, inisip namin na maganda ang pelikula, kaya plano naming panonoorin ito. Pero hindi na pala namin panonoorin ito, dahil may nagsabi sa amin, na nakapanood na nito, na hindi maganda ang pelikula. Sayang lang daw ang ibabayad namin.
Mabuti na lang at may nagsabi niyon sa amin, kung nagkataon pala, sayang lang talaga ang perang gagastusin namin sa panonood nito.
Ang mahal pa nama ng bayad ngayon sa sinehan, ‘di ba?
MA at PA
ni Rommel Placente