Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

US indictment malaking tulong sa kaso vs Napoles

NANINIWALA ang Palasyo na malaking ayuda sa mga kasong kinakaharap ni Janet Lim-Napoles sa Sandiganbayan ang paghaharap sa kanya ng sakdal ng US federal grand jury.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang kasong money laundering laban kay Napoles at kanyang mga kaanak ay nagpapakita na may dahilan para maniwala na may pagta­tangka silang itago ang kanilang mga nakaw na yaman mula sa pork barrel scam.

“We view the United States federal grand jury indictment against Mrs. Janet Lim-Napoles as a positive development, as it bolsters the govern­ment’s case against her before the Sandigan­bayan,” ani Roque.

“The charge of money laundering against Mrs. Napoles and her co-defendants shows that there is reason to believe that they attempted to retain the ill-gotten gains from the Priority Develop­ment Assistance Fund (PDAF) scam,” dagdag niya.

Sa tulong aniya ng gobyerno ng Amerika na puspusan ang koordin­a-syon sa pamahalaan ng Filipinas, ang mga pon­dong tinangkang itakas ni Napoles at kanyang mga kasama sa kaso ay mai­ba­balik at pakikinabangan ng sambayanang Filipino.

“With the help of U.S. authorities, who have been in continuous co­ordination with our government, the funds that Mrs. Napoles and her co-defendants attempted to hide away will soon be returned for the benefit of the Filipino people,” sabi ni Roque.

Habang nabubuko aniya ang mga iskemang ginawa ni Napoles ay lalong mas may rason upang kasuhan ang lahat ng ilegal na nakinabang sa kanyang mga trans­ak-siyon, kahit gaano pa man kataas ang kanilang posisyon at koneksiyon.

“As more of Mrs. Napoles’ schemes come to light, it becomes imperative to charge all those who illegally pro­fited from her tran­sactions, regardless of their position or political affiliation,” giit ni Roque.

Isinakdal kamaka­lawa sa US si Napoles  at kanyang mga anak at kapatid sa kasong money laundering dahil sa pagb­i-li ng mga ari-arian sa Amerika, na $20-M ang halaga mula sa pork barrel scam.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …