READ: Carlo, baka maunahan ni Sam kay Angelica
MULING napapanood sa Bagani si Sofia Andres. Ibinalik ang character niya bilang si Mayari. Pero this time, kontrabida na ang role niya. Binuhay siya ni Kristine Hermosa para patayin ang dating kakampi na si Lakas, played by Matteo Guidicelli.
Sa pagbabalik ng karakter ni Sofia sa Bagani, napatunayan niya, na mali ang kanyang detractors sa pagsasabi noon, na kaya siya pinatay ay pasaway siya, na hindi siya nakakasundo ng co-stars at production staff ng fantaserye ng ABS-CBN 2.
Kung talagang may attitude siya, hindi na siguro siya ibabalik sa Bagani, ‘di ba? Vindicated si Sofia.
Nang naka-chat namin si Aiko Melendez, na kasama ni Sofia sa Bagani bilang si Matadora, natanong namin siya tungkol kay Sofia, at puro magagandang salita ang sinabi niya sa ex ni Diego Loyzaga. Mabait ito at marunong makisama sa lahat.
So there.
MA at PA
ni Rommel Placente