Friday , December 27 2024

Paghahanap ng magbibida sa Dapithapon…, madugo

READ: FPJ’s Ang Probinsyano, ‘di pinaporma si Victor Magtanggol

READ: Kris, winakasan, pang-iintriga sa kanila ni Sharon

PERSONAL kay Direk Carlo Catu ang pelikula niyang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon (Waiting for Sunset), official entry niya sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magsisimula sa Agosto 3 hanggang Agosto 12 na mapapanood sa Cultural Center of the Philippines at Ayala malls.

Ayon kay Direk Carlo, “Noong nagpi-pitch ako kay Direk Jun (Lana), kasi galing ako sa workshop, nag-isip ako sa family namin ng ‘what if’. Si Direk Jun kasi ipinu-push niya kami na ang gawin naming script ay personal.

“So sabi ko, ‘sige gusto mo ng personal, bibigyan kita ng personal.’

“So ito na nga personal na parang sumobrang personal yata ha ha ha.”

Paliwanag pa ng award winning director ng Kapampangan’s Ari: My Life with the King, “Bale ang inspiration ko rito ‘yung mother ko na may certain event na umuwi ‘yung tatay ko sa amin. Hindi ko siya nage-gets na parang close sila kahit ilang taon na silang magkahiwalay.

“So, ‘yung perspective ko na, paanong nangyari ‘yun?

“Roon ko siya binuo. Parang in-exaggerate ko na lang na ‘what if’ mas matanda pa ‘yung nanay ko at mas matanda pa rin ang tatay ko noong bumalik sa amin?

“So, roon na nagsimula ang lahat, idinevelop ko na lang siya.”

Ang Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon ay tungkol sa tatlong senior citizen na magbibigay kahulugan sa salitang pag-big at pagsasama.

Pinagbibidahan ito nina Perla Bautista (Teresa), Dante Rivero (Benedicto), at Menggie Cobbarubias (Celso).

Aminado ang director ng pelikula na madugo ang naging paghahanap nila ng magiging bida sa pelikula.

“’Yung casting sobrang madugo,” giit ni Catu sa pocket presscon ng Ang Kung Paano Hinihintay Ang Dapithapon (Waiting for Sunset) na ginawa sa Salu Restaurant. “Sobrang inikot-ikot namin ang lahat ng mga puwedeng artista (na magbibida).”

Pero nauuwi sila lagi kina Tita Perla, Tito Dante, at Tito Menggie.

“Nag-isip pa kami ng ibang artistang puwede pero ang ending sa kanila talaga kami bumabagsak. Parang nag-Wikipedia na kami, nag-Google na kami. Pinagdikit-dikit namin ang lahat ng mga artista, pero rito talaga kami bumabalik.

“Sila ‘yung unang pinili namin tapos ang tagal naming nag-aksaya ng oras, pero sa kanila pa rin kami bumabalik. So ayun, sina Tita Perla, Tito Dante, at Tito Menggie na talaga ang dapat na bida rito,” sagot pa ng director na nagmula sa Pampanga.

Pinagbibidahan din ang pelikula nina Romnick Sarmenta at Che Ramos, kasama sina Ryan Ronquillio, Jacqueline Cortez, Dunhill Banzon, at Stanley Abuloc.

Ang gala premiere ay sa August 8, 9:00 p.m. sa Tanghalang Nicanor Abelardo, Cultural Center of the Philippines.

Ang Kung Paano Hinihintay ang Dapithapon ay mula sa Cineko at Cleverminds Inc., kasama ang CMB Film Services at CG Post Production.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *