ANG panghihipo sa maselang bahagi ng katawan ay pangkaraniwang karanasan ng kababaihan at kadalasan ay may enkuwentro ang mga babae sa mga lalaking bastos na mahilig manghipo. Subalit isang waitress sa Savannah, Georgia, USA, ang hindi pumayag na bastusin na lamang ng isang kostumer sa pinagtatrabahuan niyang restoran.
Sa CCTV footage na ngayo’y nag-viral sa social media, makikita ang waitress na si Emelia Holden habang inuutusan ng kanyang supervisor sa Vinnie Van GoGo’s pizza restaurant, nang may isang lalaking dumaan sa kanyang likuran at pakiyemeng hinawakan ang puwet ng dalaga. Sa pagkabigla sa pangyayari, biglang hinablot ni Holden, 21, ang balikat ng nanghawak sa kanyang likuran saka ibinalibag para pagsabihan at murahin sanhi ng ginawa sa kanyang pambabastos.
Kasunod ng insidente ay tinawag ang pulisya at inaresto ang suspek. Nakulong siya ng dalawang araw bago pinalaya.
“I just did what I felt was best. I took the guy down and had my co-workers call the police,” ani Holden. “As soon as the cops saw the CCTV footage, they immediately arrested the man. He sat in jail until Monday, so in my opinion, he got what he deserved.”
Pinuri ang waitress sa kanyang pagdepensa sa sarili. Pinayohan naman ni Holden ang ibang kababaihan na huwag matakot na lumaban sa mga nambabastos sa kanila.
“All that I want from my experiences is for women to know that it’s okay to stand up for yourself,” aniya.
“You have every right to wear what you want and you most certainly have every right to defend yourself,” dagdag ng dalaga.
Dangan nga lang ay nagpaalala din ang self-defense expert na si Jennifer Cassetta, para sabihing hindi uubra ang ginawang reaksiyon ni Holden sa lahat ng kababaihan at lahat ng situwasyon.
Wika ng lumikha ng Stilettos at Self-Defense: “In martial arts, you’re trained to try and defuse a situation, versus being the first one to attack. However, some situations call for you to be preemptive.” (Tracy Cabrera)