MAY hinala ang militar, isang foreign suicide bomber ang driver ng van na sumabog sa checkpoint sa Lamitan City, Basilan kahapon na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng pitong iba pa.
READ: Van na may bomba sumabog sa Basilan
Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon, may mga ulat na isang Indonesian ang tsuper nang sumabog na van ngunit kinokompirma pa ito.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang basehan ng suspetsa na dayuhan ang driver ay hindi maintindihan ang kanyang mga salita sa sundalong kumausap sa kanya sa checkpoint bago naganap ang pagsabog.
“The only hint that he maybe an alien was he replied in an unintelligible speech when one of the troops tried to talk to him,” ani Lorenzana sa text message sa Hataw.
Naniniwala si Lorenzana na nasa suicide mission ang driver at ito mismo ang nag-detonate ng bomba sa loob ng van.
Walang dokumentong narekober sa van dahil nagkapira-piraso ito pati na ang driver sa tindi ng pagsabog.
“We are not sure if he is a foreigner as he died when the van exploded presumably detonated by the driver himself,” aniya.
“No document was retrieved from the van and the driver as they were blown to smithereens. He was obviously on suicide mission,” dagdag niya.
Kinondena ng Palasyo ang pag-atake ng mga terorista sa Basilan na ayon sa AFP ay mga konektado sa Abu Sayyaf Group (ASG).
“We condemn in the strongest possible term the latest terrorist attack in Basilan perpetrated in violation of our laws. We note that even in times of war, the attack constitutes a war crime because it constitutes an indiscriminate attack which is prohibited by Article 4C-1 Attacks on Civilian, by R.A. 9851, IHL Act of 2009,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing kahapon.
Sinabi ni Roque, hihintayin pa niya ang magiging reaksiyon ni Pangulong Duterte sa madugong insidete.
Aniya, ang pang-eengganyo ni Duterte kamakalawa, sa mga miyembro ng ASG ay upang tulungan lamang ng pamahalaan na magbalik-loob sa pamahalaan ngunit hindi mangangahulugan na iaabsuwelto sila sa mga ginawang krimen habang aktibo pang kasapi ng ASG.
“Wala naman pong binibigyan ng absolute… ano ba tawag dito, hindi pardon, but the one the predates the commission of the act. And wala pang binibigyan ng amnesty and I don’t think the President is contemplating amnesty for them. That’s the only way to erase their criminal liability,” ani Roque.
ni ROSE NOVENARIO