Monday , December 23 2024
dead gun

Staff ni SAP Go comatose sa suicide

COMATOSE ang isang empleyado ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, nang magbaril sa sarili sa bodega ng kanilang tanggapan sa Davao City kahapon.

Batay sa police report na ibinigay sa media kahapon, tinamaan ng bala ng cal. 38 sa ulo si Leo Angelo Apara, 38, regular employee ng Davao City Hall at naka­talaga sa Office of the Special Assistant to the President (OSAP) sa Veloso St., Brgy. 20-B Bo. Obrero, Davao City.

Batay sa testimonya ng saksing si Lourdes Avenido Gonzales, 43, staff sa OSAP, nakita niyang pumasok sa stock room si Apara at mata­pos ang ilang minuto ay nakarinig siya ng putok mula sa silid.

Natagpuan niya na duguang nakahandusay sa loob ng stock room ng kanilang opisina si Apara at agad dinala sa San Pedro Hospital.

Narekober sa bodega ang isang .38 caliber revolver na may serial #ZL99769, may apat na bala at isang basyong bala. Inaalam ng mga pulis kung sino ang may-ari ng baril at bakit dala ito ni Apara.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *