NANATILING minority leader si Quezon Rep. Danilo Suarez sa kabila ng apela ng oposisyon na ipatupad ang House Rules sa kaso ng minorya.
Pinagdedebatehan pa sa plenaryo kahapon kung sino ang magiging minority leader.
Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, na siyang ibinoto bilang majority leader kapalit ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, 17 ang kasapi sa minorya ni Suarez, pito sa minorya ng Magnificent 7, at pito naman sa Makabayan bloc.
Nagprotesta si Quimbo sa plenaryo at iginiit na ang 12 nag-abstain sa pagboto kay Arroyo ang kabuuan ng minorya bilang “duly constituted House Minority.”
READ: Sulat ni Quimbo tinanggap ni SGMA
Kasama ng grupo ni Quimbo ang pito sa Makabayan Bloc, si Akbayan Rep. Tom Villarin, si Magdalo Rep. Gary Alejano, at si Josephine Sato ng Occidental Mindoro.
Ayon kay Fariñas, kapag naging minority leader si Suarez, magpapatunay ito na nagsabwatan sila para sibakin si Alvarez.
Huwag aniya payagan na madungisan ang pagka- speaker ni Arroyo.
Hindi pa tapos ang debate sa plenaryo tungkol sa usaping ito.
ni Gerry Baldo