SA kanyang Instagram account, nag-post si Jak Roberto ng picture niya na ang suot lamang ay isang manipis na shorts, na may dahon na tumatakip sa kanyang hinaharap.
Ang caption na inilagay dito ni Jak ay “Adan” na parang sinasabi niya na parang siya si Adan. Si Adan, siya ‘yung sinasabi sa Biblia na unang lalaki na nilikha ni God, na nasa isang paraiso, na dahon lang ang nakatakip sa maselang bahagi ng katawan.
Sa post na ‘yun ni Jak, maraming followers niya ang natuwa. May nagsabi na mas gugustuhin na lang niya ngayong maging vegetarian dahil sa dahon ni Jak. ‘Yung isa, ang sabi, ang suwerte ng dahon. May nagsabi naman na gusto nang anihin ang dahon ni Jak.
‘Yung isa naman, ang sabi, “remove the leavers pare hahaha.”
Ang sabi naman ng isa, “Dios mio ang hot.”
Ang mga nakatutuwang reaksiyong ito ng followers ni Jak ay mukhang mga bading, base sa kani-kanilang comment sa picture ni Jak.
MA at PA
ni Rommel Placente