NAKATUTUWA naman si Liza Soberano. Sa kabila ng pagiging busy niya sa kanyang showbiz career, ay binalikan pa rin niya ang pag-aaral.
Nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges for Bachelor’s Degree in Psychology. Gusto niyang makatapos, makakuha ng dipoloma sa kolehiyo.
Sabi ni Liza, “That’s what I want the youth to learn as well, that school is very important. No matter what age you are, you can always go back to it if ever you stopped. Always give it priority because iba po talaga kapag mayroon kang diploma and you graduated. You’ll feel confidents about yourself kapag naka-graduate ka, that you have accomplished something in your life.”
Well, sana nga ay magawang pagsabayin ni Liza ang pag-aaral at kanyang showbiz career. Sana ay walang mag-suffer sa isa sa mga ito.
Sabagay, time management lang naman ang kailangan, ‘di ba?
Tungkol pa rin kay Liza, ayon sa manager niyang si Ogie Diaz, nagsu-shooting na siya ng Darna. Pero puro Narda scene pa lang ang kinukunan sa kanya, ‘yung ordinaryong tao lang siya. Wala pang kinunan na eksena, na naging Darna na siya.
Ayon pa kay Ogie, aabutin ng 40 days ang shooting ng Darna. Na ang equivalent niyon ay tatlong buwan mahigit, ‘di ba?
Masyadong mabusisi kasi ang direktor nitong si Erik Matti. Gusto nitong maganda ang kalalabasan ng bagong version ng Darna, na launching movie ni Liza, mula sa Star Cinema.
MA at PA
ni Rommel Placente