Monday , December 23 2024

Che Cosio, fav indie actress ni Direk Jerold

READ : Arjo at Coco, muling magsasama sa Jack En Poy: Da Pulis Incredibles

READ: Chrome, wish mapasama sa Ang Probinsyano

ALIW kausap ang indie actress na si Che Ramos-Cosio na asawa naman ng aktor na si Chrome Cosio, parehong scholar sa Tanghalan Pilipino at doon na rin nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Laman din ng TVC si Che at ang nagawa niyang pelikula sa Cinema One ay Pandanggo (2006).

They needed a dancer po that time.  More than a dancer than an actor. Dati po kasi akong miyembro ng Powerdance ni Douglas Nierras,” balik-alaala ni Che.

Inamin ng aktres na mas matanda siya ng apat na taon sa asawang si Chrome at may anak na silang limang taong gulang na babae.

Tinanong si Che kung masaya ba na pareho silang artista ng asawa niya, “noong una duda kami, ha, ha, ha.  Tanong ko sa kanya, ‘kaya ba natin ‘to?’”

Inamin ding selosa ang aktres, “ang daming babaeng mas maganda, noong una po mayroon akong pinagseselosan, ngayon wala na. Tapos naisip ko, okay lang (bahala ka).”

Birong tanong namin kung sino ang mas malaki ang talent fee, “ha, ha, ha aaminin ba natin ‘yan (sabay tingin sa asawa).  Ako po kasi mas matanda ako (nauna sa showbiz). Kasi nagpe-pelikula na ako noon, ‘Santa-Santita’ pa. Originally si Julia Clarete na pinalitan at naghanap sa teatro tapos ako po ‘yun.”

Tuloy pang kuwento ni Che, “tapos po si Jerrold Tarog, after (Santa-Santita), tinawagan ako kaya ang bulk ng independent films ko kay Jerrold Tarog.  Medyo paborito niya ako like ‘Mangatyanan’(2009), isinulat niya for me, tapos ‘Senior Year’ (2010).  Reunion po namin ‘tong ‘Goyo’ (2018).”

Naidaldal din ni Chen ang tungkol sa buhay pag-ibig ni Goyo na sobrang babaero at ipakikita ito sa pelikula na pinagbibidahan ni Paulo Avelino.

Ginampanan ni Che ang karakter na Hilaria, “mas maganda ako 10 times, ha, ha, ha.  Actually po si Jerrold, gusto niya hawig sa karakter.

I considered ‘Goyo’ na biggest break ko kasi mas hinog ako ngayon, good roles po (naman) before pero hindi ganoon (kabigat) because I was working independently, wala akong manager, I would just do the work.

Before actually, I tried to get a manager, parang ridiculous nothing to manage, I was starting out. I was satisfied with the offers. Independent films were strong that time,” pagkukuwento ni Che.

Hanggang sa nakilala niya si Omar Sortijas ng Clever Minds, sabi ko nga ang manager parang jowa na kailangan kasundo mo,” say ni Che.

Dagdag naman ng asawang si Chrome, “parang nanay si Derrick (Cabrido) at saka si Omar.”

Nag-guest naman si Chrome sa seryeng Since I Found You (bayaw ni Piolo Pascual) at ang natapos na The Stepdaughters.  Sa mga pelikula naman ay Halik sa Hangin (2015); Beauty and the Bestie (2015); Maria Leonora Theresa (2014); Momzillas (2013) at indie films naman ‘yung iba.

Kasama rin po ako sa ‘Asuang’ for Cinema One Originals (Rayn Brizuela-direktor), baka mag-shooting na po kami anytime soon,” saad ng aktor.

Habang kausap namin sina Che at Chrome ay naglolokohan sila kaya tinanong namin kung sino ang mas naughty sa kanilang dalawa at mabilis na sumagot ang aktres ng, “siya, kita naman ‘di ba? Tatahi-tahimik.”

May pagka-komedyana si Che na malayo sa mga ginagampanan niyang karakter sa mga pelikula, “pangarap ko po talaga ‘yan. Kasi noong bata ako lagi akong pinaiiyak na hindi naman tumutulo (luha) lagi. Pero totoong babaeng bakla ako,” natawang sabi ng aktres.

Sa theater kasi, minsan gusto nilang umiiyak, iba ang medium kasi sa TV.  Sa theater kasi kita na,” say naman ni Chrome.

Dagdag pa ni Che, “ang mga Filipino hindi tayo iyakin, huh. Last resource mo ‘yan, hindi ka basta iiyak. Or you go to a private place, you don’t revel it, we controlled.”

Natanong naman namin kung sino ang mga direktor na gusto nilang maka-trabaho, “gusto ko ma-experience si Lav Diaz. Sa artist siguro mga legend like Eddie Garcia, nakatrabaho ko na si Gary Estrada sa ‘Stepdaughters’ recently lang. Marami, eh,” say ni Chrome na hindi makapag-isip ng sandaling ‘yun.

Si Che naman ay, “Papa P (Piolo Pascual), kasi ang pogi niya, ha, ha, ha.”

May cameo role si Che sa Playhouse serye nina Zanjoe (Marudo) at Angelica (Panganiban) na eere palang, “ako po ‘yung lawyer ni Angelica.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *