Aut viam inveniam aut faciam (I will either find a way, or make one). —Hannibal Barca
PASAKALYE:
Sa katatapos na ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang naranasang sigalot o problema kahit may mga nagsipag-rally na mga pro at anti-Digong.
Ayon sa pulisya, partikular ang Quezon City Police District (QCPD) sa pangangasiwa ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., at sa direksiyon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, walang naipatalang major crime at tanging 17 katao lang ang naaresto sanhi ng paglabag sa ilang mga batas at ordinansa.
“Despite the busy preparations wherein most of our policemen were deployed for the SONA, there were no major untoward incident particularly on the eight-focused crimes of homicide, murder, rape, physical injury, robbery, theft and carnapping of four-wheeled vehicles and motorcycle,” pagmamayabang ng hepe ng QCPD.
Liban lang ito sa dalawang magkahiwalay na pangyayari ng nakawan at pagkaaresto sa apat katao dahil sa pag-iinom ng alak sa pampublikong lugar, isa sa pag-ihi sa kalsada, dalawa sa paninigarilyo, at isa pa sa paglabag sa itinakdang curfew sa gabi. Nasagip din ang dalawang menor de edad na natiyempohang gumagala-gala sa disoras ng gabi.
REAKSIYON:
Kung ginagawa nang wasto ng ating pulisya ang kanilang tungkulin, hindi mahirap tuparin ang kanilang mandato na magsilbi at protektahan ang publiko. Ngunit gaya ng alin mang matagumpay na hukbo, ito’y nakakamit kadalasan kung ang pinuno o ang namumuno ay ehemplo ng kabayanihan at katapatan sa serbisyo.
Kung maihahambing natin si Director General Oscar Albayalde sa Carthaginian general na si Hannibal Barca at si Gen. Eleazar nama’y yaong isa sa magiting na tinyente ng hukbo ng Carthage, marahil ay ganito ang sasabihin ng PNP Chief: “Ah there is one thing about them more wonderful than their numbers… in all that vast number there is not one man called—Eleazar — o Gisgo,” sa tunay na pahayag ni Hannibal.
Kudos sa ating kapatid na hepe ng NCRPO!
***
IN coordination with the Democratic Independent Workers’ Association (DIWA) party-list sa pangunguna nina representative Emmeline Aglipay-Villar, Emmanuel delos Santos at retired Gen. Edgar Aglipay, tuturuan ng ‘Barako ng Maynila’ Elmer Mejorada Jamias ang mga ‘tambay’ sa lungsod na maging kapakipakinabang na mga mamamayan.
Ito ang nais ng kaibigan nating heneral na dating Information and Communication Technology Management (ICTM) deputy director, sa kanyang pagnanais na makapagbigay ng sarili niyang kontribusyon sa ating lipunan at sa sambayanan kahit retirado na siya sa serbisyo at ordinaryong mamamayan.
Katuwiran ng ating katoto: Tambay sa Maynila, may solusyon si Gen. Jamias para maging kapakipakinabang sa lungsod. Tuturuan ko silang maging emergency respond team na ready at on-call sa lahat ng emergency 24/7.
Sinabi ng ating kaibigan na makaaasa ang mga Manilenyo sa kanyang adhikaing hanguin sa kahirapan ang kanyang mga kalungsod.
Mariing bigkas niya: Barako ng Maynila laban sa pahERAP ng Maynila.
At nagpahayag din si Jamias na dalawang magiting na heneral ang magsasanib (puwersa) para sa tunay na tapang at malasakit para sa kinabukasan ng lungsod.
Aniya: Abangan! Maghintay (lang) sa official announcement bagama’t magkatugma kami ng adbokasiya!
REAKSIYON:
Makaaasa po kayo, kaibigang heneral, na buong suporta p ang ibibigay ng Pangil sa inyong adhikain.
Sawa na rin naman po ang mga taga-Maynila sa nagpapahERAP sa kanila!
***
PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahilingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o dili kaya’y i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!
PANGIL
ni Tracy Cabrera