Sunday , December 22 2024

Girian sa Minorya lalong umiinit

MAINIT na pag-aawayan ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ng mga mi­yembro ng Liberal Party at ng Magnificent Seven (ang kasaluku­yang tunay na minority) ang kali­punan ng House Minority.

Ayon kay Quezon Rep. Danilo Suarez, ang kasalukuyang minority leader, hindi siya aalis sa puwesto niya.

Pero sabi nina Albay Rep. Edcel Lagman at Marikina Rep. Miro Quim­bo, walang basehan si Suarez para manatiling minority leader kasi ibinoto niya si Arroyo.

Base sa House Rules ng Kamara, kung sino ang bomoto sa speaker ay magiging miyembro ng majority at kung sino ang hindi bomoto o nag-abstain, ay magiging bahagi ng minority.

“Si Danny Suarez at ang kanyang grupo ang nagpatalsik sa sarili nila sa minority mula nang ibinoto nila si GMA,” ani Lagman sa isang press conference matapos magpulong ang grupo ng LP sa opisina ni Quimbo.

Pahayag ni Lagman, napagkasunduan na ng minority na si Quimbo ang lider ng minorya.

Dagdag ni Quimbo, ang katunayan, isa sa mga unang nakapirma si Suarez sa manifesto para suportahan si Arroyo.

Mayroon aniya silang sulat sa speaker na nabuo na sila bilang minority.

“Nakahanda na ang minority para makapag­trabaho kasama ang majority,” ani Quimbo na nagsabi na bibitiw na siya bilang deputy speaker.

Kasama sa press conference ng LP kaha­pon sina Cavite Rep. Francis Gerald Abaya, Caloocan Rep. Egay Erice, Dinagat Rep. Kaka Bag-ao, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, Quezon City Rep. Bolet Banal, Albay Rep. Edcel Lagman, Marikina Rep. Miro Quimbo, Quezon City Rep. Kit Belmonte, Rep. Josephine Sato ng Occidental Mindoro, Rep. Jocelyn Sy Limkaichong ng Negros Occidental at Rep. Gabriel Bordado ng Camarines Sur.

Ani Quimbo, bukas sila sa pagsali ng ibang mambabatas sa grupo ng minorya.

ni Gerry Baldo

 

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *