Friday , December 27 2024

Bakwit ni Direk Jason Paul, kakaibang musical film

BATID ni Direk Jason Paul Laxamana na hirap ang mga Pinoy na tanggapin ang isang musical film. Pero hindi ito nakapigil sa magaling na director para gawing romantic musical ang tema ng pelikulang pinamahalaan at isinulat niya, ang Bakwit, handog ng T-Rex Entertainment at pinag­bibidahan nina Vance Larena (mula sa pelikulang Bar Boys), Devon Seron, Ryle Santiago, at Nikko Natividad. Kasama rin si Mackie Empuerto ng TnT Kids.

Ang Bakwit na naglakas-loob sirain ang nakagawiang tema ng paglalahad ng pelikula ay isang makabagbag-damdaming istorya na tampok ang anim na original songs na tiyak sisilo sa mga puso at isipin ng manonood.

Mapapanood ito sa Agosto 15 bilang parte ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ang istorya ng Bakwit ay iikot sa paglalakbay ng magkakapatid na Datul brother—Elias, Sonny, Joey, at Philip na kapos sa pera at may pangarap maging recording star. Tutulungan sila ni Rose na i-record ang kanilang mga original song at mapatugtog sa mga radyo. Ang pangalan ng kanilang grupo ay mula sa salitang bakwit, o sa Ingles ay evacuate. Nilisan nila ang kanilang probinsya nang tamaan iyon ng matinding bagyo.

Bagamat hindi tanggap ng Pinoy ang musical film, ipinaliwanag ni Direk Jason Paul na, “Ibang klaseng musical ito. The songs are part of the dialogue of the story. Kasi gumagawa sila ng songs, lahat sila, iyon ang pine-perform nila.

“Hindi siya ‘yung out of the blue, mataas ang mood nila tapos bigla nilang kakantahin. Hindi sila ganoong klaseng musical. Independent talaga ‘yung songs, sa kuwento talaga.”

Sinabi pa ni Direk Jason Paul na ang pelikulang ito ay para sa mga nangangarap o nakararanas ng setbacks. “Dumaan din ako sa maraming failures. There was a time na ayaw ko na ring gumawa ng pelikula. Magtatrabaho na lang ako. But I’ve found a motivation to try again. And gusto kong i-translate ‘yung ganoong sentiments sa pelikulang ito.”

Tampok sa Bakwit ang anim na original songs na isinulat at nilapatan ng tunog ng Tarlac based singer-songwriter na si Jhaye Cura, kaibigan ni Direk Jason na nakatrabaho na rin niya sa ilang Kapampangan songs na ginawan nila ng music videos.

“She’s got a gift of melody,” sambit ni Direk Laxamana. “That’s why I wanted to give her songs a chance to be heard through this film.”

Tampok sa pelikulang ito ang mga awiting Fiona, isang goodbye song, na kinanta ni Mark Oblea; Patibong ni Jay R na ukol naman sa secret crush; Ligtas Ka Na ni Sean oliver na ukol naman sa pagtupad ng iyong pangarap; at ang Tayong Dalawa ni Ice Seguerra na ukol naman sa maligayang pagmamahal.

Ilulunsad at maririnig ang mga awiting ito sa iang special, one-night only gig sa Saguijo Café and Bar Events Place sa Agosto 3, 9:00 p.m.. Mapapanood naman ang Bakwit simula Agosto 15.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *