NAKALIMUTAN ni Pang. Duterte sa kanyang SONA, na banggitin ang mga pangako niya noong panahon ng kampanya, ayon kay Rep. Edcel Lagman ng Albay.
Nag-focus umano, si Duterte sa reforms na gusto niya at hindi reforms na gusto ng tao.
Ang tao, aniya, ayaw sa federalismo pero ito ang itinutulak ng presidente.
Ang tao, aniya, gustong reporma sa tayo ng presidente tungkol sa West Philippine Sea.
Gusto rin, aniya ng reporma sa ekonomiya para labanan ang kahirapan pero ang presidente ay ginigiit ang TRAIN Law, ang sanhi ng pagtaas ng inflation sa 6.1 porsiyento.
Sa panig ni Rep. Tom Villarin, walang bago sa mga sinabi ng pangulo pero nasopresa siya sa pag-iwas sa atake sa oposisyon.
Nag-improve, aniya, ang pagbabasa ng pangulo pero hindi malalim at walang pasyon sa katotohanan.
Ang mga pangako tungkol sa pagpapatigil sa contractualization, ibigay ang “coco levy trust fund” sa mga magsasaka, at iba pang isyu tungkol sa mga sector ay magandang pakinggan (lamang) sa radio at telebisyon.
(GERRY BALDO)