Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Collateral damage

READ: BOL nadiskaril

READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado

NAGING “collateral da­mage” ang panuka­lang  Bangsamoro Organic  Law sa internal na hidwaan sa liderato ng Mababang Kapu­lungan.

“The BOL suffered this temporary setback, as a ‘collateral damage’ to an internal leadership issue in the House but I trust and expect that in due time, the ratification which it deserves, will take place as a matter of course,” ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza.

Paliwanag ni Dureza, ang pagkabigo ng Maba­bang Kapulungan na ratipi­kahan ang BOL ay walang kinalaman sa nakasaad sa batas bagkus ay bunga ng iringan sa liderato ng Kamara de Representantes.

“The failure to ratify is unfortunate but it has nothing to do with the  BOL itself. It was due to some leadership issues internal to the House of Represen­tatives,” aniya.

Napaulat na ang biglang pag-adjourn ng session ng Kamara at hindi pagratipika sa BOL ay bunga ng mani­festo na nilagdaan ng mayor­ya ng kongresista na nananawagan na patalsikin si Alvarez bilang Speaker at palitan ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ikinalungkot ng Pala­syo  ang hindi pagratipika ng Kamara sa BOL at itinuturing itong “temporary setback” sa hangarin ng administrasyong Duterte na umiral ang tunay at pang­matagalang kapayapa­an sa Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …