Thursday , December 26 2024

BETS ng Batangas, patok sa STL!

SA lahat ng Authorize Agent Corporations (AACs) na naglalaro ng Small Town Lottery (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang Batangas Enhanced Technology Systems, Inc. (BETS) ang may pinakamalaking ingreso o Presumptive Monthly Retail Receipt (PMRR). Ang BETS din ang isa sa mga AAC na hindi pumapaltos sa buwanan nitong PMRR.

Dahil masigasig ang BETS katuwang ang mga Batangueño sa palaraong STL, nabibiyayaan ng naturang AAC ang PCSO Branch Office ng lalawigan ng P800,000 pondo araw-araw para may maiayuda sa mga pasyenteng dumudulog ng tulong gaya ng pambayad sa ilang bayarin para makalabas ng ospital, pang-chemo/radiation, pang-dialysis, pang-transplant o implant at iba pang serbisyo medikal sa ilalim ng Individual Medical Assistance Program (IMAP), ang flagship project ng PCSO.

Gayondin ang STL ng Suncove Corp. – STL ng Pampanga at Lake Tahoe Gaming & Amusement Corp. ng Angeles City na masigasig na katuwang ng PCSO at iba pang AAC-STL na patuloy na nagsusumikap na makakalap ng pondo upang mapondohan ng PCSO ang serbisyong medikal lalo ang “Malasakit” program ng gobyernong Duterte.

Hindi magtatagumpay ang BETS kung walang suporta ang mamamayan ng Batangas katuwang ang mga lokal na pamahalaan, at ang mga law enforcement agencies gaya ng pulisya at National Bureau of Investigation, kasama na riyan ang military.

Aking napag-alaman, kung tama ang datos, mahigit 15,000 ang empleyado ng BETS. Karamihan sa kanila ay dating mga kobrador at rebisador ng jueteng na nag-legal na sa tulong ng mga namamahala ng BETS. Hindi na sila hinahabol ng pulis kapag sila’y nasa lansangan upang magkolekta ng boluntaryong taya mula sa mamamayan. Marami-rami rin sa mga empleyado ang nagkatrabaho sa BETS na hindi makapasa-pasa sa mga ginagawang regular job fair dahil kulang sila sa edukasyon, mababa ang antas ng kanilang kakayahan, may kapansanan, at iba pa. Ngayon, sila’y sumusuweldo hanggang P8,000 kada buwan at tumatanggap ng mga benepisyo mula sa korporasyon bukod pa sa insentibo kapag sila’y nakapagpapanalo.

Ang BETS, gaya ng iba pang AAC-STL, ay nagkakaroon ng tatlong draw kada araw sa superbisyon ng branch office ng PCSO. Ang mga draw ay hindi isinasagawa sa ilalim ng manga o tagong lugar gaya ng ginagawa sa jueteng kundi sa loob ng isang draw court na may draw machine na sinasaksihan ng mga piling taong may integridad at kapuri-puring reputasyon sa ko­mu­nidad.

Ang maganda rito sa BETS ay may sarili rin siyang kawanggawa na tinawag niyang “Anak Kalusugan” na nagsasagawa rin ng mga medical and dental mission sa mga kapos-palad nating kababayan. Nasa plano na ng “Anak Kalusugan” na gagalugad sa buong bansa, sa mga piling bayan na higit na nangangailangan, upang mag­hatid ng kawanggawa sa larangan ng serbisyo medikal.

Ang mga tagapamahala ng BETS na siyang tagapagtaguyod ng “Anak Kalusugan” ay tunay na pilantropo na dapat tularan. Sabi ng isa sa kanila, “Ibabalik namin ang biyaya ng STL na nang­ga­galing sa ating mamamayan sa pamamagitan ng kawanggawa na dadalhin sa kanila ng Anak Kalusugan.” Hindi lamang sa Batangas kundi sa iba’t ibang dako ng bansa.

BAGO ‘TO!
ni Florante Solmerin

About Florante Solmerin

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *