MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki makaraan pagbabarilin umano sa isang inoman ng tatlong construction worker sa Taguig City, nitong Linggo ng gabi.
Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina William Cavalida, 48, construction worker, residente sa Purok 7, PNR Site, Brgy. Western Bicutan ng naturang lungsod, at Rolando Edeza, 58, purok leader sa naturang lugar.
Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Archie Atienza, alyas Dodong; Bryan at Momay.
(JAJA GARCIA)