Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tampuhan, isinantabi para kay Bimby

READ: Mahigpit na yakap, isinalubong ni Vice kay Kris; Direk Paul at Toni, at Coach Chot, may pa-BS ng ILYH

POST nga ni Kris bago sila nakipagkita kay Vice, ”By now, you know me lahat kayang isantabi para sa happiness ng mga anak ko. Si kuya Josh okay na.

“Tonight I know this is for Bimb. Nag-invite ang isang super love ni Bimb sa gitna ng ulan- sugod na kami para manuod ng ”I Love You Hater” kasama n’ya. Join din si ate @juliabarretto na SUPER LOVE ni Bimb.

“My heart overflows w/ happiness because my 2 sons are now happy. Tigilan na po natin ang paghusga yakapin natin ang kayang gawin ng mga adults para mapaligaya ang mga naipit na bata #ichooselove #family.”

Present din sa screening sina Joshua Garcia at Julia Barretto na sinasabing hiwalay na pero wala naman kaming nakitang bakas na may tampuhan sila dahil sweet pa rin at nagbubulungan pa.

Nakunan naman ng personal assistant ni Kris ang pagkikita nila ni Vice na nasa IG stories ng una at ipinost din kinabukasan na may caption,”My bunso never wavered in his LOVE for his Tito Vice, @praybeytbenjamin maybe ngayon maiintindihan n’yo na kung bakit nanahimik kaming nakatatanda kahit pilit gustong intrigahin.

“Because #satruelang, we both prioritized this very loving & lovable boy. I chose @piolo_pascual’s version of THANK GOD I Found You because it was from STAR RECORDS album “We are 1” released for Bimb’s 1st birthday. Listen to the lyrics- ‘yun po ang laman ng puso ko.  I am sure @garciajoshuae@juliabarretto are as grateful as Bimb & me are sa generosity & effort ni Vice, my asawa to support “I Love You Hater” still showing from @starcinema.”

Walang TV camera kaming nakita dahil ayon sa taga-Dos ay ayaw ipakober ang pagkikita nina Vice at Kris dahil baka gawan ito ng isyu pero hindi naman din napigilan ang netizens na kumuha ng litrato at sabay post sa social media nila.

Pagkatapos ng screening ay tumuloy ang grupo sa isang restaurant sa Scout Lazcano para mag-dinner at sabay interview ni Kris kay Vice na mapapanood sa LiveLife, Iflix.

Bukas, Martes ay lilipad naman ng Indonesia si Kris para sa isang TVC shoot para sa isang produkto na ineendoso ni Manny Pacquiao na sa nasabing bansa lang napapanood. Ang social media influencer ang counterpart ni Pacman sa Pilipinas.

Malapit na ring mapanood ang LiveLife ni Kris na mala-Kris TV na ipi-feature niya ang mga restaurant na iba-iba ang specialty at nauna nang i-shoot ang Manila Hotel kamakailan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …