Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruben Maria Soriquez at Garie Concepcion, mananakot sa The Lease

PINATUNAYAN ni Garie Concepcion na hindi lamang siya isang mahusay na singer, kundi magaling din siyang aktres. Hindi naman nakapagtataka dahil anak siya ni Gabby Concepcion at kapatid ni KC, kaya’t may pagmamanahan siya.

Inihalintulad naman ang Filipino-Italian, actor/director na si Ruben Maria Soriquez sa bida ng Harry Potterdahil kamukuha niya si Daniel Jacob Radcliffe.

Sina Garie at Ruben ang bida sa horror movie na The Lease na mapapanood na sa July 25 sa mga sinehan na idinirehe ng Italian director na si Paolo Berlola.

Hindi naman bago kina Garie at Ruben ang pag-arte. Napanood na si Garie sa La Luna Sangre nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla samantalang si Ruben ay naging bahagi ng Dolce Amore nina Liza Soberano atEnrique Gil.

Ang The Lease ay mula sa Utmost Creatives Production na isang kakaibang paranormal horror thriller na dapat abangan ng mahihilig sa ganitong genre.

Ipinakita sa pelikula ang kakaibang timpla at atake nito.

“Ang The Lease po ay isang paranormal horror na pelikula. Para po ito sa mga mahilig sa mga nakakatakot at hindi para sa mga mahihina ang puso,” ani Garie.

“Isa itong paranormal horror-thriller. Pero ibang klase, kasi may family values at may matututuhang lesson mula sa kuwento. Kasi, iyong movie ay hindi para manakot lang, kahit nakatatakot siya talaga.

“Also, ito ay isang indie film pero ang dating ng movie ay pang-mainstream talaga,” pahayag naman ni Ruben.

“Scary ito pero suspense rin siya at the same time. And iyong twist sa film is very interesting… it will catch the audience’s heart,” dagdag pa ng Italian/director actor.

Sa pakikipag-usap namin kay Garie, nasabi nitong ang The Lease ang biggest role na naibigay sa kanya sa isang pelikula. ”And ito na po ang pinaka-active kong taon sa showbiz. Big blessing po talaga sa akin ‘yung ‘La Luna Sangre’ at ito nga pong ‘The Lease.’” 

Ginagampanan ni Garie ang papel ni Clara, asawa ni Direk Ruben. Isang Filipina na nakapangasawa ng Fil-Italian, na dalawang anak.

Sinabi naman ni Direk Paolo na naniniwala siyang ito na ang pagkakataon para ipakita ng kanilang director sa pelikula ang galing niya sa Pinoy audience pagdating sa horror film.

Kasama rin sa pelikula si Harvey Almineda, 11, gumanap na anak nina Garie at Ruben. Nahasa ang galing ng bagets sa pagda-drama sa mga nagampanan na sa drama anthologies kaya hindi kataka-takang mahusay ang ipinakita niyang acting sa The Lease.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …