Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrata ng kasal 5 o 10 taon lang dapat

KAPAG in-love ka pa, puwedeng i-renew nang i-renew na lamang ang 5-taong marriage contract.

Ayon kay Rep. Jericho Nograles ng Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) party-list, lumabas ang mga kaisi­pan na ito sa isang konsultasyon sa bara­ngay patungkol sa panukalang “divorce law.”

“Sir, pwede ba renew­able every 5 years ang marriage? Para sa in love, renew nang renew lang. ‘Yung sa iba, expire na lang,” ayon sa tanong ng isang kalahok.

Binanggit din ni No­grales ang isang mung­kahi na ipinarating ng isang kongresista sa kanya.

Ayon dito, 10 taon na lamang daw ang “marriage contract” at pupuwedeng i-renew ito pagkatapos ng 10 taon.

Awtomatiko umano ang renewal habang hindi sinasabi ng mag-asawa na ititigil na ang kontrata.

ni Gerry Baldo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …