Friday , December 27 2024

Julia, ‘di hahayaang sirain ang ILYH

ISANG open letter ang ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang Instagram account na @juliabarretto ukol sa journey niya bilang aktres, pag-aalinlangan, paghusga sa kanya, at pagnanais na may mapatunayan sa likod ng pagiging Barretto.

Aniya, hindi siya nabigyang pagkakataon makagawa ng kamalian para matuto at maging mabuting tao mula sa pagkakamaling iyon. Dahil nauuna nga lagi ang husgahan ang katauhan niya.

Mahal na mahal ni Julia ang kanyang trabaho kaya naman nais niyang may mapatunayan para sa kanyang sarili.

Ginamit nga niya ang katauhan niya sa I Love You Hater na si Zoey para maging outlet iyon ng kanyang mga kabiguan, sakit na nararamdaman.

Pinuri rin ni Julia ang mga bumuo at nagpakahirap sa ILYH para makagawa sila ng isang quality film. At iginiit na nararapat lamang bigyang ng recognition ang mga ito.

Sa huli, kahit may mga taong pilit silang sinisira o nilalagyan ng mga negatibong bagay ang kanilang pelikula, hindi iyon nanaig dahil naging maganda ang kinalabasan ng pelikula. Marami ang pumuri at maganda ang takbo sa takilya.

Kaya naman nasabi niyang sa huli, nanaig pa rin ang kabutihan at tinulungan sila ng Panginoon para maging maganda ang tumabo sa takilya ang kanilang pelikula.

Narito ang kabuuan ng post ni Julia sa kanyang IG. ”An open letter— In my whole journey as an actress, more often I was doubted, I was judged, I had to deal with scrutiny from people who did not know me, who made me suffer the consequences of the mistakes I did not commit and people did not give me a chance. People did not give me the chance to make some mistakes, learn and to better myself.

“Other than the fact that I love my craft, I love what I do and I feel strongly passionate about acting— I’ve always wanted to prove myself. I’ve always wanted to prove my doubters wrong. I’ve always wanted to be more than my last name. I wanted my hard work to get the credit and not my last name. I wanted to make a name for myself. “I Love You, Hater” is a film I poured my heart and soul into. I was faced with one of the biggest challenges of my life before doing this film and I don’t think I was able to really pour my heart out as Julia and took the chance with Zoey. My every heartache, the every pain I felt in my body as Julia, I used Zoey as my outlet. I wanted to speak to people as Julia through Zoey & this is why I embraced Zoey. I embraced this film. I put down my walls, I let people in and see me at my most vulnerable.

“THE TEAM of ILYH from the actors to Direk Giselle, our writers, staff & crew, Star Cinema ADPROM and ABS CBN worked sleepless nights, braved the strom and worked till our own bodies gave up on us to produce a good quality film. It’s about time they get the recognition and appreciation they deserve. 

“We made a movie to add positivity to people’s lives and make them feel that they’re not alone. We are not going to allow any kind of negativity to lurk around our film.

“From Day 1 of our showing, Joshua and I talk about how overwhelming the feedback, appreciation and love we’ve been receiving.

Our journey has been so magical and special because we are getting the perfect amount of support… from our family, our friends, star cinema, our network & our supporters. þ

“TRULY, at the end of the day, the Lord’s plan PREVAILS.

Dahil sa post na ito, inamin naman ni Kris Aquino na naiyak  siya.  krisaquino@juliabarretto you just made me cry.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *