IISNABIN, umano, ni dating Pang. Benigno Aquino III ang pangatlong State of the Nation Address ni Pang. Duterte sa 23 Hulyo.
Ayon sa Inter-Parliamentary and Special Affairs Bureau (IPRSAB) ng Kamara, tinangihan ni Aquino ang imbitasyon para sa kanya.
Ayon sa isang opisyal ng IPRSAB, tradisyon ang imbitasyon sa mga dating pangulo at iba pang dating opisyal sa taunang SoNA.
Ibinunyag ng IPRSAB na dadalo si Vice President Leni Robredo sa okasyon. “VP Leni is attending SONA; (former) President Aquino already sent regrets,” ang sabi ng IPRSAB.
Ayon sa kanila ang dating mga pangulong Fidel Ramos at Joseph Ejercito-Estrada ay dadalo pati na sila dating Senate President Juan Ponce Enrile, Aquilino Pimentel III, at Manny Villar.
Si dating Speaker Jose “Joe” de Venecia, Jr., ay nagpasabi rin na siya ay dadalo.
ni Gerry Baldo