Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ahron, possible bang ma-inlab kay Kakai — To be honest, hindi ko alam

FOR the first time ay bibida na sa pelikula sina Ahron Villena at Kakai Bautista via Harry and Patty mula sa direksiyon ni Julius Ruslin Alfonso at sa panulat ni Volta delos Santos.

Isa itong romantic comedy film, na si Ahron ang gumaganap na Harry,  isang mabait, pero misteryoso ang pagkatao, at si Kakai naman bilang si Patty,  isang TNVS driver.

Hindi makapaniwala si Ahron na bida na siya sa pelikula.

Sabi ni Ahron, ”Actually po, sa totoo lang, itong pelikulang ito, hindi ko ini-expect. Pareho kami actually ni Kakai, sa totoo lang.”

Patuloy niya, ”Noong in-offer po sa amin ito last December (2017) and may tina-target ‘yung producer na playdate, February o March sana this year. Maraming mga inayos, siyempre nagkaroon din ng mga problema, ganyan.

“’Yung producer, gusto nila na kami talaga ang gumawa. Sabi ko nga sa sarili ko, bakit kami? Bakit ako?

“Kasi kumbaga ako, never pa naman akong nagkaroon ng lead role sa pelikula or even sa serye. I’m happy kung ano man ‘yung kinahinatnan ng career ko.

“I’ve been in the business for 14 years. Kumbaga, may mga TV appearances ako, pero hindi ako nagli-lead, puro support lang o mga contravida roles, pero masaya na rin ako.

“Pero at least tumagal ako, sabi ko sa sarili ko.

“And given this kind of opportunity (na magbida sa ‘Harry and Patty’), is a blessing. Hindi ko talaga tatanggihan.

“And sabi ko nga, ako puwedeng palitan, pero si Kakai, hindi.

“Pero sabi ko nga, I’m really happy na first major project ko sa big screen, ay si Kakai pa ang kasama ko.

“Roon sa mga sumusubaybay sa amin, sa nangyari sa amin dati (‘yung awayan nila ni Kakai), uunahan ko na kayo, hindi ito planado.

“Kami ay naging okey ni Kakai noong September (2017). I think birthday po ‘yun ni Freddie Bautista na aming kaibigan noong naging okey kami.

“And then the movie was offered after mga two months pa.

“Noong nag-meeting na kami, roon na…ay totoo pala, okey, ayun.

“Siyempre ako, iga-grab ko talaga. Kumbaga, sino ba naman ako para tumanggi. Trabaho, eh.

“And okey naman kami na magkatrabaho na ni Kakai.”

After magkaayos sina Ahron at Kakai, naging best of friends na sila. Pero posible kayang ma-inlove si Ahron kay Kakai?

“To be honest, hindi ako tumitingin sa panlabas na kaanyuan ng isang tao. As long as nakikita ko na may mabuting puso ‘yung tao… eto kasi mahirap eh, baka ma-quote na naman…ayan nagsalita na naman si Ahron, pa-fall na naman.

“Ako kasi naniniwala ako, na ‘yung love kasi, hindi mo naman mahahanap kung maganda ka, kung ganito ka, kung ‘yan ka, basta nakikita mo na ‘yung taong kaharap mo, kasama mo, eh mabuti sa ‘yo, marunong makisama, marunong makiharap, kumbaga ako, hindi ko masasabi.. mahirap magsalita ng tapos, to be honest, hindi ko alam.

“But right now, nag-i-enjoy ako na after what happened sa amin two years ago, naging okey kami, maayos kami. 

“I don’t know. We’ll never know kung anong susunod na mangyayari,”

Showing na sa August 1, 2018 ang Harry and Patty. Kasama rin sa pelikula sina Carmi Martin, Heaven Perelejo, Mark Neuman, Bojie Pascua, Donna Liza Salvador, Joe Vargas, Lou Veloso, at Soliman Cruz.With special participation of Arci Muñoz.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …