Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Noven, may sarili nang farm

MALAKI ang utang na loob ni Noven Belleza sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime. Simula kasi nang tanghalin siyang grand champion ng Season 1 ng TnT, Malaki na ang nagbago sa buhay at career niya.

Napag-alaman naming bukod sa napanalunang P2-M cash, house and a lot, nakabili na rin siya ng iba’t ibang properties para sa kanyang pamilya. Dagdag pa ang sariling farm na ang ipinambili niya ay ang cash na napanalunan mula sa TnT.

“Kung hindi po ako pinalad sa TnT, siguro nag-aararo pa rin po ako ngayon sa probinsiya. Araw-araw po talaga naming kayod sa tubuhan para mapunan ‘yung pagkukunan namin sa buong linggo.

“Malaki po talaga ang naitulong ng Tawag Ng Tanghalan sa akin—lalong-lalo na po sa pamilya ko,” ani Noven sa presscon ng paglulunsad ng TNT Records na magpe-perform din sa TNT All Star Showdown concert kasama ang iba pang TNT winners at grand finalists.

Idinagdag pa ni Noven na gusto pa niyang dagdagan ang nabili niyang farm.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …