Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, iniwan ang pagiging diyosa para sa BuyBust

HINDI nag-atubili si Anne Curtis para iwan ang imaheng diyosa para sa pelikulang BuyBust, ang pelikulang punumpuno ng aksiyon at suspense na handog ng Viva Films at Reality Entertanment. Ito’y pinamahalaan ni Direk Eric Matti na mapapanood na sa mga sinehan sa Agosto 1.

Makakasama ni Anne rito ang Film-Am at ONE Championship heavyweight champion na si Brandon Vera.

Hindi nasayang ang mga pasa at panganib na sinuong sa paggawa ng pelikulang ni Anne dahil dalawang international companies ang nagsanib-puwersa para tiyakin ang international success ng BuyBust. Ito ay ang XYZ Films na tumatayong sales agent ng pelikula at ang Well Go USA, ang opisyal na distributor ng movie para maipalabas ito sa North America na mapapanood sa US cinemas simula sa Agosto 10.

Ang Well Go USA rin ang nag-distribute ng inter­national hit na Train to Busan na pinag­bibida­han ni Korean Superstar Gong Yoo. Pormal nilang ilulunsad sa publiko ang Buybust sa July 19 at 21 sa Annual Superhero Kung Fu Extravaganza San Diego Comic Con.

Nagkaroon din ang Buybust ng World Premiere noong July 15 dahil napili itong closing film sa New York Asian Film Festival na dumalo sina Anne, Brandon, at Direk Erik, at Dondon Monteverde.

Sa July 18 naman ay magkakaroon ito ng Canadian Premiere sa Fantasia Festival at Asian Premiere sa Buncheon International Fantastic Film Festival sa South Korean.

Maliban sa US at Korean screening, mapapanood din ng ating mga kababayan ang pelikula sa Middle East, Hong Kong, at Singa­pore.

Ang istorya ng  Buy­Bust  ay umiikot sa isang team ng special forces na maaatasang mag-penetrage at mag-neutralize ng isang drug den. Ang hindi nila alam, ang mismong misyon na ito ang maglalagay sa kanila sa alanganin matapos silang ma-trap sa loob nito nang ma-set-up at traydorin.

Kaya huwag palampasin ang matindi, makapigil-hininga, at umaatikabong aksiyon mula kina Anne at Brandon sa BuyBust.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …