Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joyce Bernal, nag-ocular na sa Batasang Pambansa para sa SONA ni Pangulong Duterte

HINDI pa masabi ni Binibining Joyce Bernal kung kailan siya lilipad ng Marawi para simulan ang shooting ng action movie na prodyus ng Spring Films.

Sa Agosto na sisimulan ang shooting, pero, “hindi ko alam ang exact date pero anytime soon lilipad na kami, inaayos pa mga schedule ng artista kasi hindi namin alam kung available pa silang lahat kasi ang tagal na naming inalok ito sa kanila noon at pumayag sila, eh, almost a year na, baka tumanggap na ng iba.

“Confirmed actors ko sina Robin (Padilla), Piolo (Pascual) at babalikan ko sina Ronnie Lazaro at Jasmin Curtis kung available sked nila. Marami pa, mga indie actor,” tugon ni director na sinabing hindi na matutuloy ang planong locked-in ang mga artista sa Marawi.

“Iyon sana ang plano namin pero hindi pala puwede kasi sensitive pa rin ‘yung place, sabi mismo ng AFP kaya magsu-shoot kami kung kailan safe. Kaya putol-putol ang shooting namin,” pangangatwiran pa ni Bininibing Joyce.

Hindi pinayagan si Direk Cesar Apolinario na mag-shoot ng movie nitong The Marawi Story sa Marawi kamakailan, kaya suwerteng pinayagan sila ng Armed Forces of the Philippines na mag-shoot ngayon.

“Actually, ngayon lang kami pinayagan, sobrang maraming pag-uusap, last November pa maraming talks, kaya nagtagal kami,” anang direktora.

Ipalalabas ng Spring Films ang Marawi sa Mayo o sa Hunyo para sa selebrasyon ng Independence Day.

Sa kabilang banda, si direk Joyce ang magdidirehe ng SONA ni Presidente Rodrigo Roa Duterte na mangyayari sa Hulyo 23.

Noong unang nakausap namin si Binibining Joyce ukol sa SONA, wala pa itong maikuwento dahil hindi pa sila nakakapag-usap ni Duterte.

Pero ayon sa balita, personal choice pala ni Duterte si Direk Joyce.

Sinabi naman ni Presidential Communication Operations Office Secretary Martin Andanar na kinuha si Direk Joyce ayon na rin sa rekomendasyon ni Robin.

At kahapon, nagsagawa na ng ocular inspection si Bernal sa gusali ng Batasang Pambansa. Nakipag-usap na rin ito kina RTVM Director Demic Pabalan at sa mga miyembro ng technical working group.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …