Monday , December 23 2024

Duterte nag-sorry sa ‘Diyos’

HUMINGI ng pauman­hin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Diyos kaugnay ng kanyang mga naging pahayag kontra sa May­kapal.

Sa pulong kagabi ni Pangulong Duterte kay Jesus is Lord (JIL) found­er Eddie Villanueva, ipi­naliwanag ng Punong Ehekutibo ang konteksto ng kanyang pahayag ka­ug­nay sa Diyos.

“Sorry God! I said sorry God! If God is taken in a generic term by everybody listening, then that should include. But my concept of God, when it is put at stake with the other people using the name of God in vain,” ani Duterte.

Paliwanag ng Pangu­lo, ang hindi niya nagus­tuhan ay paggamit ng iba sa pangalan ng Diyos para atakehin ang go­byerno.

“Remember that there is a division between church and state. You can criticize us anything at all…but never, never use the name of God as a front to attack government because that is not the proper way to do it,” wika niya.

Tumagal nang dala­wang oras ang pulong nina Pangulong Duterte at Villanueva kamaka­lawa ng gabi sa Mala­cañang.

Binigyan diin ng Pangulo, sa Diyos lang siya hihingi ng sorry at tiyak na pinatawad na siya ng Panginoon dahil “forgiving” ang kilala niyang Diyos.

“I only apologize to God, nobody else. I wronged God then he would be happy to listen to my apology. Why? Because my God is all forgiving. Why? Because he does not remember past hurts. Why? Because God created me to be good and not to be bad,” dagdag niya.

Isa si Villanueva sa mga pumuna kay Duterte nang tawagin na estupido ang Diyos at nanawagan na magpahayag ng public apology ang Punong Ehekutibo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *