Friday , December 27 2024

Triple tie sa Best Supporting Actress Choice

TUWANG-TUWA at halos hindi makapaniwala ang tatlong nagwagi sa Best Supporting Actress sa katatapos na The Eddys.

Itinanghal na Best Supporting Actress sina Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod), at Chai Fonacier (Respeto). Tinalo nila sina Alice Dixson (The Ghost Bride) at Jasmine Curtis-Smith (Siargao).

Sinasabing first time nangyari na nagkaroon ng triple tie sa kategoryang ito.

Samantala, hindi nakarating ang itinanghal na Best Actor, si Aga Muhlach para sa pelikulang Seven Sundaysdahil nasa ibang bansa pa pala ito para sa shooting ng isang pelikula.

Kaya naman isang mensahe ng pasasalamat ang kanyang ipinaabot sa bumubuo ng The Eddys na idinaan niya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account (@agamuhlach317). Kasama niyon ang picture ng Eddys trophy.

Narito ang mensahe ni Aga, ”An honor to receive another one. Maraming salamat sa bumubuo ng EDDYS sa parangal na ito. Appreciate you all! =أݠMaraming salamat din sa lahat ng mga manonood sa Walang sawang pag suporta sa akin at sa pelikulang pilipino. Mabuhay kayong lahat. Praise and Glory are yours, Father. Not mine. See you all soon! Star cinema, direk Cathy and the whole cast, staff and crew of Seven Sundays, thank you!! Love you guys!  @[email protected] thank you for your continued trust. @itsmecharleneg I love you very much! þ you are the air I breathe. Same goes to my children!”

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi sa 2nd EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors, Inc. (SPEEd).

Best FilmRespetoBest Director—Mikhail Red (Birdshot);

Best Actress—Mary Joy Apostol (Birdshot);

Best Actor—Aga Muhlach (Seven Sundays);

Best Supporting Actress (triple tie): Angeli Bayani (Maestra), Therese Malvar (Ilawod), at Chai Fonacier (Respeto);

Best Supporting Actor—Dido Dela Paz (Respeto);  Best Cinemato­graphy—Mycko David (Birdshot);

Best Original Screenplay:  Eric Cabahug (Deadma Walking); Best Sound Design: Corinne De San Jose (Respeto); Best Musical Score—Jay Durias (Respeto); Best Original Theme Song—Respeto; Best Visual Effects—Ang Panday; Best Editing—Marya Ignacio (Kita Kita);  Best Production Design—Gino Gonzales (Ang Larawan).

Rising Producers Circle—Roselle Monteverde (Regal Films) and Veronique Del Rosario (Viva Films);Producer of the Year: Vic Del Rosario Jr..

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *