Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
richard gomez ormoc
richard gomez ormoc

Richard, nakipag-meeting sa Star Cinema; paggawa ng pelikula, inihahanda na

HINDI na ngayon napapanood sa pelikula at serye si Ormoc Mayor Richard Gomez, ‘yun ay dahil busy siya sa pagiging mayor ng kanilang lungsod.

“As a mayor, I have to be in Ormoc, most of the time. Kaya na-set aside ‘yung paggawa ng movie, ng TV show. Nami-miss ko na rin naman ang umarte ulit, kaya lang siyempre, priority ko ‘yung mga constituent ko sa Ormoc,” sabi ni Mayor Richard nang makausap namin siya sa launching ng gadget na AED (Automated External Defibrillator) na  siya ang spokesperson.

Ang paggamit ng AED ay may malaking maitutulong sa pagliligtas ng buhay dahil mahalagang ma-stabilize muna ang pasyente lalo na kung hindi agad madadala sa ospital at walang rescuer.

Kung gagawa ulit siya ng pelikula, may posibilidad ba na muli silang gumawa together ng dati niyang nakarelasyong si Sharon Cuneta?

“Actually, I have a meeting tonight with Star Cinema, hindi ko lang alam kung ano ‘yung ipi-present nila sa akin. Pero kung ano man ‘yun, kung movie ba ‘yun with Sharon, I’ll let you know right away. Of course, I’m looking forward to be working with her again.”

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Labi ni Raoul Aragon dadalhin sa ‘Pinas

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING paborito naming character actor si Raoul Aragon noong 80’s lalo na sa mga …

Anne Curtis Jericho Rosales

Anne iginiit ‘di pagtataray pagsagot sa netizen

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI raw siya nagtataray, ayon kay Anne Curtis, nang sagutin niya ang …

Claudine Barretto

Claudine nagpapapansin, serye katapat ni Raymart 

I-FLEXni Jun Nardo NAG-IINGAY ba si Claudine Barretto dahil may bagong series na ipalalabas ang ex hubby …

Blind Item, Mystery Man, male star

Junior actor naestsapuwera nang dumating mga gwapo at baguhang aktor

I-FLEXni Jun Nardo RETIRED na rin sa showbiz ang isang junior actor na naging masalimuot ang lovelife …

Alfred Vargas Diana Zubiri

Alfred-Diana trending, netizens kinilig 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SINONG mag-aakalang ang nabuong DanAquil loveteam noong 2005 ay muling kagigiliwan ng netizens. …