Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nash, may potential maging teenstar!

BUKOD sa guwapito, talen­ted ang panganay na anak ni Allona Amor na si Nash.

Fourteen year old na si Nash at nag-aaral sa isang exclusive school for boys.

May-K sa kantahan at sayawan, at pati sa acting ang guwaping na bagets at patuloy niyang hinahasa ang kanyang kakayahan. Kaya naniniwala kami na malaki ang potensiyal ni Nash para makapasok talaga sa showbiz at tilian ng fans na tulad ng ibang young stars.

Mapapanood si Nash this Sunday sa Voices of July na gaganapin sa Music Box, Timog, Quezon City sa July 15, 2018, 8pm. Mula sa direksiyon ni katotong Throy Catan, ang iba pang magpe-perform dito ay sina Tori Garcia, Mavi Lozano, Andrew Gan, Anthony Rosaldo, Josh Yape, Ara Altamira, Maricar Aragon, Eric Constantino, Eumir Jay Rader, Andy Baluyot, at Jennelyn Gagajena. For Tickets para sa show na Voices of July, pls. call 09158507388 (02)5031309.

Saan niya gustong mag-focus, sa acting or singing? Sa­got ni Nash, “Both, but for now I’m enjoying singing and per­forming on stage. But if I have a chance to be a part of the acting industry, I’ll take it.”

Nag-workshop ka ba and ano ang ginawa mong pre­para­tions sa pagsabak sa showbiz? “Yes, I did singing, acting, model­ling and dancing work­shops.

“Sa ngayon po tito, tuloy pa rin po ang voice lesson ko para lalo pang ma-enhance ‘yung voice ko. Then, nakatapos na rin po ako ng acting workshop. Sa amin po ni mom, wala pa namang plans basta po just go on with the flow lang muna po kami. Kasi, ‘di naman po kami nagmamadali, darating din po ‘yung tamang oras para sa magagandang oppurtunities.

“Sa ngayon po ay ine-enjoy ko lang po muna ‘yung mga ginagawa ko and happy po ako sa kung ano po ako ngayon,” saad ni Nash.

Goodluck sa iyo Nash at sa iyong mommy Allona.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …